Nasungkit ng Pakistani representative na si Arslan “Arslan Ash” Siddique ang ginto sa Tekken 7 event ng katatapos lang na International Esports Federation 14th World Esports Championship (IESF 14th WEC), at walang nagawa ang kanyang mga kalaban.
Matapos wasakin ang kanyang mga katunggali sa group stage, dumaan naman na parang abgyo si Arslan sa main event kung saan pinatunayan niya ang kanyang husay at kakayahan sa nasabing fighting game title nang walang maski isang talo.
Arslan Ash dalawang beses hinarap si DanielMado upang makuha ang korona ng IESF 2022
Nakaharap na ni Arslan si Daniel “DanielMado” Madonia ng Italy sa unang round pa lang ng top 8. Sa kabila ng kanyang paggamit ng Zafina sa mga nakaraang tournaments, pinili niyang gumamit ng Kunimitsu laban sa Italian Jin main.
Gamit ang kanyang superior poking game at mahabang pasensya, ginitgit ng Pakistani pro ang kalabna hanggang s maging desperado ito. Nang 9 seconds na lang ang natitirang oras, pinakawalan ni DanielMado ang kanyang Rage Art, na siya namang nayukuan ni Arslan upang ma-punish ng Double Rising Knee. Kinuha ni Arslan ang set 3-0, at inilaglag ang Italy papunta sa lower bracket.
Nagkrus muli ang landas ng dalawang international pros sa grand final matapos araruhin ni ni Daniel ang lower bracket kung saan nilaglag niya ang mga players mula sa Dominican Republic, Thailand, Korea, at Kuwait.
Ngunit sa ginawang paglaban ng Italy, hindi pa rin natinag ang kampeon ng Pakistan, at nagawang ulitin ang resulta ng kanilang unang paghaharap. Muling pinakilala ni Arslan ang kanyang kalaban sa atake niyang punong punoi ng pokes upang i-pressure ang Italian at mapilitan itong gamitin ang lahat nang kanyang resources. Matapos masala ang Rage Drive at Demon’s Paw ni Jin sa ikaapat na round ng Game 3, sumugod siya gamit ang Setsunagake upang tapusin ang laban at ipanalo ang tournament bilang kampeon ng IESF 2022.
Dahil sa panalong ito ay nag-uwi si Arslan Ash ng US$50,000. Ngayon ay maghahanda na siya para sa kanyang susunod na major tournament, ang Tekken World Tour Global Finals na gaganapin sa February 2023.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.