Inanunsyo ng Bandai Namco Entertainment ang pagbabalik ng Tekken World Tour (TWT), ang international tournament circuit ng nasabing fighting game.

Sa Tekken World Tour 2022 ay pwede nang maglaro ang mga players sa parehong offline at online events. Ang tournament circuit ay meron na ring three-stage format na kasama ang regional qualifiers at finals bago ang pagtatapos na event, ang TWT Finals.

Narito ang lahat nang kelangan niyong malaman tungkol sa Tekken World Tour 2022, kabilang na ang schedule, format, point system, at kung paano mag-register bilang player at event organizer.

Ano ang Tekken World Tour?

Tekken World Tour 2022 logo
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Ang Tekken World Tour ay isang series ng mga international Tekken 7 tournaments na officially sponsored ng publisher na Bandai Namco Entertainment. Ang TWT ay isang taunang competitive circuit mula pa noong 2017, na sandaling nagbago upang magkaroon  ng online format noong 2021 nang dahil sa COVID-19 pandemic.

Format ng 2022 season

Ang Tekken World Tour 2022 ay nagsimula noong June sa una nitong stage, ang Regional Qualifiers. Sa mga panahong ito, kelangang ng mga players na mag-ipon ng points upang makaakyat sa kani-kanilang regional leaderboards sa pamamagitan ng pagsali sa mga Master at Dojo events hanggang October.

Ang mga players na may pinakamaraming points sa kanilang rehiyon ay aabante papunta sa second stage, ang Regional Finals, na gaganapin mula late October hanggang December. Sa stage na ito malalaman kung sino ang 13 regional representatives para sa Global Finals, ang ikatlong stage ng TWT 2022.

Kinumpirma ng Bandai Namco na ang ilang rehiyon ay maaaring hindi magkaroon ng Regional Finals, at sa kasong ito, ang top player ng rehiyon ang magiging karapat-dapat na makasali sa Global Finals.

Ang Global Finals ay gaganapin bilang isang offline event sa 2023.

Mga rehiyon na kasali

Narito ang 16 na rehiyon na kasali sa Tekken World Tour 2022:

  • North America
  • Central America
  • South America
  • West Europe
  • East Europe
  • North Africa
  • West Africa
  • South Africa
  • Middle East
  • Pakistan
  • South Asia
  • Southeast Asia
  • The Philippines & East Asia
  • Oceania
  • Korea
  • Japan

Point system at kategorya ng mga events

Ang mga players ay maaaring makakuha ng points sa pamamagitan sa maraming tournaments sa panahon ng Regional Qualifiers. Ang mga resulta sa mga tournaments ay magiging points para sa leaderboard.

Sa regional leaderboard, malalaman ang ranking ng isang player pag pinagsama-sama ang kanyang mga pinakamatataas na resulta mula sa isang Master event at apat na Dojo events.

Ang mga Master events ay mga large-scale offline events na maaaring salihan ng kahit na sino. Ang mga events na ito ang nagbibigay ng pinakamatataas na points sa tour. Sa taong ito, tanging ang EVO 2022 lang ang kaisa-isang Master Prime event, isang espesyal na kategorya na may pinakamataas na point system.

Ang mga Dojo events naman ay mga community-based, region-locked tournaments na may mataas na pool ng mga kalahok. Ang mga tournaments na ito ay pwedeng laruin nang online o offline.

Mas pinaganda ng Bandai Namco ang mga Dojo tournaments sa pagdagdag ng kategoryang Dojo Prime para sa mga events na may mataas na points ilan man ang sumaling players. Ang mga events na ito ay kelangang aprubado ng Bandai Namco.

Master event schedule Tekken World Tour 2022

Tekken World Tour 2022 master events
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Narito ang schedule ng limang Master events ng Tekken World Tour 2022:

EVENTCATEGORYSCHEDULE
CEO 2022MasterJune 24-26
EVO 2022Master PrimeAugust 5-7
VSFighting XMasterAugust 19-21
REV MajorMasterSeptember 17-18
The MixupMasterOctober 1-2

Paano mag-register para sa Tekken World Tour 2022?

Maaaring mag-register bilang isang player sa iyong rehiyon sa official website ng Tekken World Tour.

Para sa mga gustong magsagawa ng isang Dojo event, maaaring i-check ang tournament organizer guide mula sa Tournament Overview section ng site.



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.