Narito na ang Tekken 7 patch. 5.0, ang pinakabagong update ng isa sa pinakasikat na fighting game titles mula sa Bandai Namco.

Bagama’t hindi ito opisyal na Season 5 ng Tekken 7, dahil sa kawalan ng mga bagong characters at stages, marami-rami paring pagbabago ang nangyari. Itinuturing din na importante ang patch na ito dahil ito na marahil ang huling update na matatanggap ng game.

Pagkatapos ng teaser ng pinakahihintay ng marami na Tekken 8 sa EVO 2022, marami ang umaasang mare-release ang ang susunod na installment ng fighting game franchise sa susunod na taon, sakto sa pagtatapos ng Tekken World Tour sa February 2023.

Mga pagbabago sa Tekken 7 patch 5.0

Tekken 7 patch 5.0 Bryan Akuma
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Kasabay ng mahabang listahan ng mga pagbabago sa mga moves ng mga characters, ipinapakilala rin sa bagong patch ang bagong wall-based mechanic. May ilang mga moves na maaaring magdulot ng stun kapag nasa likod nila ang wall, na magbibigay ng pagkakataon upang magdagdag ng pressure sa wall game.

Ayon sa patch notes, ang bawat fighter ay binigyan ng moves na magdudulot ng “wall crush inducing hit” o “wall crush inducing guard” na maglalagay sa kanila sa isang stun status. Bagama’t maaari pa ring dumepensa ang kalaban, mapipilitan silang malagay sa isang 50/50 mix up situation.

Marami sa mga characters ang nakatanggap lamang ng isa o dalawang pagbabago, ngunit meron ding ilang tinamaan nang mabigat sa patch na ito tulad nina Leroy, Fahkumram, Kunimitsu, Lidia at iba pa na nakatanggap ng mas mahabang listahan kumpara sa ibang fighters.

Ang bawat character ay nakatanggap ng hindi bababa sa isang pagbabago sa Tekken 7 patch 5.0. Sa dami ng mga pagbabagong ito at sa pagdating ng bagong wall mechanic, mukhang kelangan nating maghintay at obserbahan kung paano ito makakaapekto sa kasalukuyang meta.

Basahin ang kabuuan ng patch notes dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.