Panalo ang Japanese pro Tekken player na si Akihiro “Ao” Abe ng Gyogun sa Week 7 ng ICFC Asia Tekken Spring 2022.

Ito ang ikatlong beses na nagkampeon si Ao para sa season na ito, matapos niyang manalo sa Week 1 at Week 6.

Ao sa Grand Finals ng ICFC Asia Tekken Spring 2022 Week 7

Tekken Ao EVO 2015
Credit: EVO

Sa Grand Finals, nakaharap ng Iron Wall Prince ang Korean Hwoarang user na si MaCRoya, na kanya ring nakaharap sa Winners Finals at napabagsak sa Losers Bracket sa score na 3-1.

Maagang nakakuha ng lamang si MaCRoya sa gamit ang isang maagang low parry combo sa Final Round ng Game 5 sa Grand Finals, ito ang kinakailangan niyang panalo upang ma-reset ang bracket. Mabilis namang napigilan ng Feng Wei ang opensa ng Korean gamit ang dalawang magkasunod na Iron Palm (b+1) to Iron Fortress (b+1+2) combo. Na-crush naman ng isang delayed hop kick mula kay MaCRoya ang Heavy Hammer (d+2) ng Japanese pro player, at nagresulta sa isang malaking combo na halos umubos sa buhay ng Feng Wei ng pambato ng Gyogun. Ngunit ginulat ni Ao ang lahat nang bigla siyang magpakawala ng Rage Drive na tumapos sa laban sa score na 3-2.

Itinuturing na dominante ang pagkapanalong ito ni Ao sa dahilang hindi niya ginamit ang kaniyang main na Kunimitsu laban kay MaCRoya.



Kasalukuyang nangunguna sa ICFC Asia standings si Ao na may 392 points, na sinusundan ni Kuzin (335 points) at Book (182 points). Ang mga pambato ng Pinas na sina Vermilion (130 points) at AK (54 points) ay nasa ikapito at ikalabindalawang pwesto.



Mapapanood ang huling linggo ng  season na ito sa Wednesday, May 25, sa official Twitch channel ng ICFC Asia.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.