Ilang araw na lang ay magbabalik na ang pinakamalaki at pinaka-hype na fighting game event ng bansa, ang REV Major.

Mula sa matagal na pagpapahinga bunga ng pandemya, muling nagbabalik sa onsite setting ang REV at maraming miyembro ng fighting game community (FGC) ang nasasabik para dito.

Nagsimula noong 2017, ang REV Major ay sinimulan ng PlayBook owner at CEO na si Richard Brojan. Nagsimula ito bilang bahagi ng Tekken World Tour, kung kaya’t naging espesyal ito para sa mga Pinoy Tekken players.

Hindi lang basta naipakita ng REV Major ang husay ng mga Filipino fighting game players, kundi inilagay din nito sa mapa ang buong Filipino FGC.

Pero alam naming alam mo na ang mga bagay na ‘to, kung kaya’t naglista kami ng ilang mga bagay na maaaring hindi mo pa alam tungkol sa REV Major.


5 REV Major facts na maaaring hindi mo pa alam

1. Bakit REV Major ang pangalan ng event?

Credits: REV Major

Bago nagsimula ang lahat, maraming oras ang ginugol upang mag-isip ng pangalan para sa event na ‘to.

Kung tutuusin, walang malalim na dahilan kung bakit REV Major ang napiling itawag dito. Simple lang ang dahilan, nagustuhan ni Mr. Brojan ang tunog ng pangalan na “Rev”. Bukod sa pagiging catchy, maaari din itong mangahulugan ng maraming bagay, tulad ng revolution, revelation, revitalize, at kung anu-ano pa.


2. Josiebee

REV Major Josiebee
Credits: REV Major

Ang character na Josiebee ay nilikha ng Indonesian artist na si Richard Suwono para sa REV. Si Josiebee ay bunga ng pinagsamang pangalan ng Filipino Tekken character na si Josie Rizal at sikat na Pinoy fast food chain na Jollibee.

Harada Twitter Jollibee as a Filipino Tekken character
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Isa sa mga naging dahilan pagkakasangkot ng Jollibee ay dahil sa nagustuhan ito ng Tekken Project Chief Producer na si Katsuhiro Harada, at pabirong sinabi sa isang tweet noong 2014 na isasama niya sa game ang fast food chain mascot bilang isang playable character.


3. Knee-JDCR handshake

REV Major Knee JDCR
Credits: REV Major

Ang Grand Finals match ng REV Major 2017 sa pagitan nina Bae “Knee” Jae-Min at  Kim “JDCR” Hyun-jin ay itinuturing na isa sa pinakamagandang laban sa kasaysayan ng Tekken, na binansagang “Battle of the Gods”.

Bukod sa pagiging dalawa sa pinakamahusay na players sa buong mundo, ang match na ito rin ang naging hudyat ng pagtatapos ng matagal nang personal na hidwaan ng dalawang pro players, na sinimbolo ng kanilang pagkakamay pagkatapos ng match.


4. Good ass Tekken

REV Major Tasty Steve Rip
Credits: REV Major

Ang terminong “good ass Tekken” ay madalas na ginagamit patungkol sa mga magagandang laban sa game na ito. Ginagamit na rin ito sa iba’t ibang mga merch at marketing na may kaugnayan sa Tekken.

Ang mga katagang ito ay unang narinig sa REV Major 2017 mula kay Steve “Tasty Steve” Scott, sa Winners Finals match sa pagitan nina Knee at JDCR.

Kaya tuwing maririnig mo ang “Good ass Tekken”, tandaan mo na sa REV Major ‘to nagsimula.


5. Nominado bilang Tournament of the Year

Tekken Awards 2017
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Dahil sa lakas ng hype na naidulot ng REV, naging nominado ito bilang Tournament of the Year noong 2017 Tekken Awards, kasama ng ibang mga international events tulad ng CEO, Mastercup, at EVO.

Sa kasamaang palad, hindi nanalo ang REV at tinalo ito ng EVO para sa nasabing award. Gayunpaman, isang malaking karangalan pa rin ang mapabilang sa hanay ng mga naglalakihang events na kilala sa buong mundo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.