Nag-uumapaw sa cursed energy ang battlegrounds dahil ang PUBG Mobile ay naglabas ng pinakahihintay na collaboration nila ng sikat na anime na Jujutsu Kaisen.
Ang Jujutsu Kaisen ay isang dark fantasy, supernatural anime series na tungkol sa mga Jujutsu Sorcerers na nakikipaglaban sa mga cursed spirits. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng mga secret technique upang manipulahin ang cursed energy. Tampok sa series ang isa sa mga pinakamalakas na anime character sa kasaysayan, si Gojo Satoru.
Sumikat ang anime noong 2020. Dahil sa tagumpay nito, sinundan ito ng paglabas ng prequel movie na Jujutsu Kaisen 0, na naitalang highest-grossing film ng 2021 sa Japan na umabot ng US$91M.
Para sa mga JJK fans, narito ang lahat nang kailangan nyong malaman tungkol sa PUBG Mobile event, kabilang ang release date, modes, at mga characters.
Release date ng Jujutsu Kaisen at PUBG Mobile collaboration
Ang PUBG Mobile collaboration ay nagsimula noong February 15 at magiging available sa lahat nang regions maliban sa Japan at Chinese Mainland. Ang event ay maaaring laruin hanngang March 14.
Mga characters ng Jujutsu Kaisen at PUBG Mobile
Ang mga sumusunod na anime characters ay magiging bahagi ng IP-themed game modes ng PUBG Mobile:
- Gojo Satoru
- Yuji Itadori
- Megumi Fushigiro
- Nobara Kugisaki
Ang apat na ito ang mga bida sa series, na pinamumunuan ng kanilang guro at special grade jujutsu sorcerer na si Gojo Satoru.
Domain Expansion sa PUBG Mobile
Dalawang themed game modes ang magiging available sa event, ang Cursed Object Crate mode at ang Cursed Corpse Grenade. Kailangang i-tap ng mga players ang icon sa bottom right corner ng Erangel o Livik para mapili ang themed mode sa kanilang ranked games.
Cursed Object Crate – mga lokasyon ng Sukuna Fingers sa PUBG Mobile
Ang mga naka-seal na Sukuna Fingers ay nakakalat sa mga mapa ng Erangel at Livik, at kailangan itong mahanap ng mga players upang makakuha ng rewards at special achievements.
Sa anime, ang mga Sukuna Fingers ay mga labi ni Ryomen Sukuna, na naglalaman ng bahagi ng kanyang kapangyarihan.
Narito ang mga lokasyon ng mga Sukuna Fingers sa bawat mapa:
SUKUNA FINGER LOCATIONS IN ERANGEL | SUKUNA FINGER LOCATIONS IN LIVIK |
Prison School Military base Pochinki Ruins Hospital Yasnaya Polyana Mylta Power Quarry Shooting range | Lumber yard Holdhus Rose Farm Power Plant Midstein Blomster Iceborg East Port Gronhus Shipyard |
Gamitin ang mga clues sa Cycle system upang makita ang mga lokasyon in-game.
Jujutsu Kaisen at PUBG Mobile Cursed Corpse Grenade
Ang mga players ay magkakaroon ng pagkakataon na dumampot ng Cursed Corpse Grenade sa mapa ng Erangel at Livik. Pag binato ang mga grenades na ito ay lalabas ang Boss Cursed Corpse, na kailangang talunin ng mga players para makakuha ng supplies bilang reward.
*break
Iba pang PUBG Mobile collaborations
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakipagtulungan ang PUBG Mobilke sa isang anime series. Ang Japanese server nito ay nakipagtulungan sa Code Geass noong isang taon, kung saan naglabas sila ng mga sets at skins na hango sa Sunrise mecha anime.
Ang mobile battle royale game ng Tencent ay dating nakipag-collaborate na rin sa iba pang intellectual properties tulad ng Godzilla vs Kong movie at K-pop sensation na Blackpink.
Sa ngayon, ang mga JJK fans ay nakaabang sa opisyal na Jujutsu Kaisen mobile game na “Phantom Parade”. Ito ay isang free-to-play RPG title na dinevelop ng Sumzap, ang mga developers sa likod ng KonoSuba game, isa pang anime series na ginawang video game.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.