Naka-iskor ang PUBG Mobile ng isang major collaboration sa bigating English football club na Liverpool FC na layong ipapakilala ang mobile battle royale sa fandom ng nasabing koponan.
Bilang pinakaunang crossover ng Liverpool FC sa mundo ng PUBGM, nais ng club na magbigay ng ekslusibong in-game features para sa fans ng Reds sa buong mundo.
Ipinakikilala ng PUBG Mobile x Liverpool Football Club collaboration ang in-game outfits para sa fans nito
Maglalabas ang collaboration na ito ng isang set ng limited-edition outfits na hahayaan ang diehard fans na magsuot ng LFC brand sa battlefield.
Maaasahan din ng mga manlalaro ang mga libreng in-game gear at item gaya ng parachutes at backpacks kapag naglalaro sa classic game modes.
Bagamat magkaibang mundo ang professional football at mobile battle royales, nakita ni Liverpool FC senior vice president Drew Crisp ang collaboration na ito para lalong maaliw ang tapat na fanbase ng koponan.
“With the realm of online gaming growing and evolving amongst our fans, PUBGM is the perfect platform to connect with them in a different, but very relevant context,” wika ni Crisp.
Nais ng PUBG Mobile na dalhin ang football sa Erangel
Kinumpirma ni head of PUBG Mobile publishing Vincent Wang ang interes nila na magpakilala ng mas marami pang football-related content.
“As we continue to strengthen our current bonds and develop prominent relationships with iconic industry leaders, we look forward to further integrating the world of football into PUBG Mobile,” sabi ni Wang.
Ang PUBGM x Liverpool FC collaboration ay tatakbo mula ika-12 ng Nobyembre hanggang ika-20 ng Disyembre.
I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mas marami pang balita, guides at highlights tungkol sa PUBG Mobile maging sa orihinal na PC version nito.
Pagsasalin ito ng orihinal na akda ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.