Ang article na ito ay hatid ng foodpanda.
Higit 1,000 manlalaro ang nakilahok sa katatapos lang na pandapro SEA Cup ng foodpanda, isang PUBG Mobile tournament kung saan tampok ang bakbakan ng mga amateur at pro teams sa buong Southeast Asia.
Ang turneo ay binuksan para sa mga PUBG Mobile gamers sa Philippines, Malaysia, Thailand, at Singapore. Ito ay ni-livestream sa English at Thai na lenggwahe. Tampok sa English stream sina RedQueen at guests na sina SirCloud, Qontra, at AyaPlays. Pinagbidahan naman nina Zaffer, Ffame, at Aomdi ang Thai stream.
Matapos ang tatlong stages ng kompetisyon, mula qualifiers, semi finals, at hanggang sa finals, nangibabaw ang Puma X Celeb na ngayon ay mag-uuwi ng grand prize na US$2,000 o higit PHP100,000.
Ang winning squad ay binubuo nina:
Puma X Celeb
- PUMAxAuto : In game leader & scout
- PUMAxTripleF : Attack
- PUMAXJAOJAME : Attack
- PUMAXMrJo : Support
Tinapos naman ng SEM9.GANK ang kanilang kampanya sa ikalawang puwesto para magantimpalaan ng US$1,000, habang ikatlong puwesto naman ang naselyo ng Farang Lejund, na nanalo ng US$500.
Bagamat hindi nakapag-Chicken Dinner, nagawa pa ring manalo ng Puma X Celeb sa turneo salamat sa kanilang high placements sa buong turneo.
Tinapos ng koponan ang paligsahan nang may 200 total points, 86 kill points, at 114 placement points.
“It’s a good tournament, I’d like it to be held again. In order to push esports as far as possible. Thank you very much to foodpanda for such a good program,” saad ng Puma X Celeb matapos ang turneo.
Abangan ang iba’t-iba pang experiences hatid ng pandapro, ang subscription service ng foodpanda na nag-a-unlock sa exclusive rewards, free delivery, at monthly vounchers.