Bilang isa sa mga pinakamalaking esports organization sa Indonesia at Southeast Asia, nahirapan ang Team RRQ na umani ng tagumpay sa taong 2021. Dahil dito ay nasabi ng Team RRQ CEO, na si Adriane Pauline o mas kilala sa tawag na Pak AP, na walang positibong naabot ang organization sa para sa kabuuan ng taon.
Sa kabuuan ng 2021, maliliit na tagumpay lamang ang natamo ng Team RRQ, lalo na kung pag-uusapan ang Mobile Legends division na syang inaasahan nila. Ang RRQ Hoshi, na pangunahing team ng kanilang Mobile Legends division, ay walang naiuwing titulo sa kabuuan ng 2021, gayun din ang kanilang ikalawang team na RRQ Sena.
Sa kabilang banda naman, ang kanilang PUBG Mobile team na RRQ Ryu ay nakasungkit ng kampeonato sa PMPL ID Season 4, sa kabila ng kanilang pagkatalo sa huling round ng PMPL SEA Season 4. Subalit tinapos nila ang 2021 bilang mga kampeon ng 2021 Esports Presidents Cup.
Mas masaklap naman ang naging kapalara para sa kanilang Free Fire division, kung saan ang RRQ Hades (na ngayon ay RRQ Kazu) ay nalaglag papuntang Division 2 nang matapos sila sa ikasampung pwesto sa 12 teams ng Division 1 FFML Season 4 playoffs.
Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, inamin ni Pak AP na hindi maganda ang taong 2021 para sa Team RRQ. Ngunit itinuturing nya ang pagkalubog na ito bilang bwelo para sa mas magandang 2022.
“Hindi naging positibo ang 2021. Kung ikukumpara, nagdomina pa rin kami noong 2020. Pero sobrang gulo ng 2021. Hindi lang ito dahil sa isang division ngunit sa pangkabuuan ng organization,” sabi ni Pak AP sa ONE Esports.
“Para sa akin, pwedeng ituring ang sitwasyon na ito bilang bwelo para muli kaming umangat sa 2022. Marami kaming mga bagay na sinubukan at pinag-isipan, ngunit hindi ‘yun gumana tulad ng aming inaasahan, pwedeng dahil sa amin mismo o mala lang, pero ang ang pinakaimportante ay ang paghahanda para sa malalaking championships.”
Hindi nakalimutan ni Pak AP ang tagumpay ng RRQ Ryu at RRQ Sena
Bagama’t nabanggit na nabigo ang Team RRQ para sa kabuuan ng 2021, nagpapasalamat pa rin si Pak AP dahil sa gumandang performance ng RRQ Ryu pati na rin ang RRQ Sena.
Sinabi ni Pak AP na sobrang saya nya sa performance at achievements na nakuha ng dalawang teams, lalo na sa 2021 Esports Presidents Cup. Subalit hindi pa rin ito sapat para sa isang team na tulad ng RRQ.
“Positibo rin na ikunsidera na lalong humuhusay ang aming PUBG Mobile division. Kahit noong 2021, isa sila sa may pinakamagagandang performance. Sila ang naging sandigan ng aming PUBG Mobile division matapos tumigil ng team sa Thailand. Dagdag pa dito ay naging kampeon sila ng 2021 Esports Presidents Cup sa pagtatapos ng taon. Maipagmamalaki ko talaga sila,” sabi ni Pak AP.
“Sa Mobile Legends division naman, nakuha ng RRQ Sena ang spotlight matapos makapasok sa top four at maging kaisa-isang MDL team na nakapasok sa grand final ng 2021 Esports Presidents Cup. May mga magagandang bagay din na nangyari kaya hindi 100 porsyentong masama, pero para sa isang team na tulad ng RRQ, masasabi nating hindi magandang taon ang 2021.”
Sa kabila ng lahat, hindi naging maganda ang taon para sa Team RRQ. Ito ang naging dahilan kung bakit naglabas sila ng jersey na may pangalang “Melior” na mula sa salitang Latin na “Meliora” na nangangahulugang maging mas mahusay para sa kabuuan ng 2022.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.