Talaga namang nakakakaba ang best-of-seven series sa AWC 2021 Knockout Stage sa pagitan ng Buriram United Esports (BRU) at Saigon Phantom (SGP). Agad na humingi ng paumanhin at nagbigay ng paliwanag ang BRU jungler na si F1 pagkatapos ng kanilang game.
Paliwanag at paumanhin ni BRU F1 sa mga fans
Nagbigay ng pahayag sa isang post sa kanyang Facebook page si Sanpett “F1” Marat kung saan ipinaliwanag nya kung bakit sya nag-split push ng lanes laban sa Saigon Phantom ng Vietnam sa Arena of Valor World Cup (AWC 2021)
Inamin ni BRU F1 na ang kanilang split push strategy ay nagmula sa kanilang nakaraang game laban sa kapwa nila Thai team na dtac Talon Esports.
“It was a mistake based on yesterday’s games,” paliwanag ni BRU F1. “We were focusing too much on teamfights instead of objectives during our fight against dtac which caused us to lose. So this time around, we decided to clear minion waves first before we engage in a teamfight.”
Nasaksihan ng mga fans ang mainit na labans sa pagitan ng dalawang teams na humantong sa isang Game 7. Sa kasamaang palad, hindi gumana ang split push tactic para sa Buriran United Esports dahil nakita ito ng Saigin Phantom bilang isang pagkakataon na i-pressure ang Abyssal Dragon lane. Nakuha rin ng SGP ang Dark Slayer at Abyssal Dragon na nakatulong sa kanilang makuha ang game at ma-eliminate ang BRU sa AWC.
“GGWP SGP,” sabi ni F1 sa kanyang Facebook page. “Today was really tiring. I apologize to all our fans and fans who supported every Thai team in this tournament.”
Hinimok din ni F1 ang lahat na ipagpatuloy ang suporta para sa dtac Talon sa AWC 2021.
Kaya ba ng dtac Talon na malampasan ang MOP Team?
Sa pagkawala ng Buriram United Esports at Bacon Time, ang dtac Talon na lamang ang natitirang Thai representative sa AWC 2021.
Haharapin nila ang Taiwanese team at Garena Challenger Series (GCS) Spring 2021 champions na Most Outstanding Player (MOP) sa isang best-of-seven series sa AWC Upper Bracket Finals.
Kapag natalo sila sa series, babagsak sila sa Lower Bracket Finals kung saan haharapin nila ang mananalo sa pagitan ng Arena of Valor Internationa (AIC) 2019 champions na MAD Team at Saigon Phantom.