Mataas ang tsansa ng dtac Talon Esports mid laner na si IpodPro na makuha ang AWC 2021 MVP title base sa mga numero.
Si dtac Talon IpodPro ang may pinakamataas na KDA average sa lahat nang mid laners
Si dtac Talon Pakkapon “IpodPro” Saethong ang isa sa mga pinaka-consistent na players sa AWC 2021 sa ngayon.
Sya ang may pinakamataas na KDA average sa kabuuan ng playoffs sa lahat ng mid laners sa tournament. Kung titignang mabuti, si IpodPro ay may nakakabilib na 5.41 KDAsa quarterfinals at 5.28 KDA naman sa semifinals.
Si IpodPro ang may pinakamaraming MVP titles sa AWC 2021
Ang mid laner ay nakakuha ng syam na game MVP titles, ang pinakamaraming nakuha ng isang player mula nang magsimula ang AWC sa taong ito. Kung tatalunin ng Thai team ang Taiwanese team na MOP Team sa AWC Grand Finals, malaki ang posibilidad na si IpodPro ang tatanghaling overall MVP ng tournament.
Sa kabila ng pagiging AWC 2021 first-timers, isa nang grand finalist ang dtac Talon sa tournament. Susubukan nilang maging kauna-unahang Thai team na makakakuha ng AWC championship title. Ang mga kapwa nila Thai teams na Bacon Time at Buriram United Esports ay pumwesto lang bilang runners-up noong nakaraang mga taon.