Paano gumamit ng Zilong? Ginagamit pa rin ba ‘to sa Mobile Legends: Bang Bang? Hindi ba masyado na siyang mahina at ‘di epektibo sa high tier? Teka nga muna.

Si Zilong ay isang classic hero na may attributes na hindi na masyadong angkop sa kasalukuyang meta ng MLBB. Masyado siyang malambot, madaling pumasok ngunit hirap tumakas, madali rin siyang malusob.

MLBB Gloo

Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na si Zilong ay wala nang silbi. Bilang isang hero na lubos na umaasa sa mga items at damage, ang gameplay ni Zilong ay umiikot sa jungler at gold laner roles.

Si Zilong sa kasalukuyang meta ay hindi pwedeng gamitin bilang isang EXP laner dahil ang mga pagpipilian sa role na ito ay makukunat at may magandang crowd control skills. Isipin mo kung makakatapat niya sina Gloo o Lapu-lapu. Magiging madali lang para sa mga ito na pitasin ang Spear of Dragon.

Best roles para kay Zilong

Jungler

Maagiging mahusay ang hero na ito sa pagiging jungler dahil hindi gaanong naiiba ang mindset na binigay sa jungler assassins. Madali siyang makakakilos at may mabilis na kakayahan sa pag-farm.

Ang gameplay ng jungler Zilong ay pareho lang pag gumagamit tayo ng mga assassin pick-off bursts tulad ng Hayabusa, Ling, o Aamon. Ang pagkakaiba ay kailangan niyang tiyakin na magiging safe ang kundisyon upang hindi mapunta sa set-up counter ng kalaban.

Dahil kapag nag-gank ang Master of Spear at hindi namatay ang kalaban, wala siyang kakayahang tumakas tulad nina Aamon, Hayabusa, o iba pang assassins.

MLBB Storm Rider Zilong skin
Credit: Moonton

Goldlaner

Ang goldlaner Zilong ay isa pang napaka-swabeng option para sa hero. Bilang isang gold laner, kailangan din niyang gumamit ng bush at hindi maaaring maging agresibo kaagad lalo na’t mag-isa lang ito.

Pagtungtong sa level 4, maaari nang mag-burst laban sa marksman ng kalaban dahil karaniwang mas malakas ang fighter capacity kaysa sa marksman sa early game.

Totoong nangyari ito at marami ang nabigla nang harapin ng OPI Pegasus ang Kylo Esports sa MDL ID S7 noong nakaraan.

Paano gumamit ng Zilong a la OPI Mas4ko

Sa laban na iyon, naging surprise pick ng OPI si Zilong matapos unang piliin ng kalaban si Beatrix bilang marksman. Isang bagay na hindi inaasahan dahil sa komposisyon, ang OPI ay nangangailangan ng karagdagang damage dahil karamihan sa mga hero nila ay utility type.

Ngunit, lumalabas na epektibo bilang gold laner ang Spear Master. Nawalan ng kabuluhan  si Beatrix at nangyari ito hindi lang dahil sa Spear of Dragon, ngunit dahil na rin sa Kadita na naging dahilan upang makakuha ng suporta sa damage ang gold lane sa simula ng game.



Ang presensya nina Yve, Martis, at Lapu-lapu ay nagpahusay din sa team composition ng OPI Pegasus para sa mabilis na paglalaro. Kitang kita ng lahat ang katayan na nangyari sa laban na ito nang matapos ang game sa ika-13 minuto sa score na 20-5.

Naging problema talaga ng lahat nang miyembro ng Kylo ang mabilis na hero na ‘to, lalo na ang kanilang Beatrix, Valentina, at Yu Zhong na hindi rin makayanan ang instant damage ni Spear of Dragon sa early game. Walang nagawa ang Akai at Kaja ng Kylo dahil hindi nila kayang kumilos nang mabilis gaya ng mga heroes ng OPI.

Zilong gold lane emblems, spells, at item build

Maraming mga kawili-wiling bagay at paraan upang magamit ang hero na ipinakita ni Mas4ko. Una ay ang emblem. Gumamit siya ng Electro Flash marksman emblem para makuha ang paunang attack speed. Samahan pa ito ng mga skills ni Zilong at siguradong napakalubha na ng damage.

Zilong item build
Credit: YouTube/JessNoLimit

Nag-focus talaga si Mas4ko sa attack speed, bukod sa emblem, Inspire din ang gamit niyang battle spell. Ang kanyang pangunahing layunin ay patayin ang pinupuntiryang kalaban hangga’t maaari gamit ang isang attack speed combo.

At panghuli, ang Zilong item build.

  • Tough boots – Hindi lang ito pumipigil ng magic damage, binabawasan rin nito ang epekto ng crowd control mula sa kalaban.
  • Scarlet Phantom – Attack speed at critical item.
  • Berserker Fury – Pangunahing critical item. Ito ang best combo kasama ng Scarlet Phantom.
  • Windtalker – Importante upang maitodo ang attack speed ni Zilong.
  • Malefic Roar: Dagdag physical penetration na panlaban sa mga makukunat na kalaban.
  • Blade of Despair – Bagama’t hindi niya nabuo, malinaw na nais ni Mas4ko na tapusin ang buil gamit ang Blade of Despair para sa mataas na damage.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.