Liliban muna sa onsite aksyon sa M4 World Championship Group Stage si Michael “Zico” Dizon, anunsiyo niya sa isang post sa Facebook.
Sa naturang post, inilahad ng BURN x FLASH coach na sa dinapuan siya ng COVID 19 kung kaya’t sa kasamaang palad ay kinakailangan niyang sumailalim sa quarantine base na rin sa health and safety protocols.
“I need to be quarantined for 5 days as safety protocol,” sulat ng Pinoy coach.
Gayunpaman, hindi naman daw nito mahihinto ang trabaho niya para sa team.
“On a lighter note, the organization allowed me to draft and coach online and I will do my best to help the team to the best of my ability,” saad ni Zico.
Nanawagan ang coach para sa kaniyang mga taga-suporta gayundin sa mga fans ng kaniyang pangkat. “I will bounce back stronger and I hope you support the team a little bit more this time as we need your strength to get us through.”
Zico, BURN x FLASH unang pagkakataong lumahok sa M World Series
Nabibilang si Zico sa mga Pilipinong susubukang ipakita ang #LakasNgPInas ngayong M4 World Championship.
Pagkaraang tulungan ang kaniyang BURN x FLASH na pagharian ang MPL Cambodia (MPL KH) Autumn Split 2022 torneo, susubukan naman ng dating Nexplay EVOS head coach na yakagin ang team papunta sa tagumpay sa internasyonal na eksena.
Maagang masusukat ang tikas ni Zico sapagkat katuwang niya sa Group A ang defending champions na Blacklist International, ang makamandag na Falcon Esports at dark horse na Incendio Supremacy.
Sundan ang pinakahuli sa M4 sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: ‘Sobrang magwawala’ si ECHO Bennyqt sa M4, sabi ni Coach Trebor