Hindi naging maganda ang unang season ni Gerald “Dlar” Trinchera sa Indonesia. Mula sa EVOS Legends, ibinaba ang imported Filipino EXP laner sa EVOS Icons, ang Mobile Legends: Bang Bang Development League team ng organisasyon.
Marami ang nagtaka sa posibilidad ng pagbabalik niya sa MLBB Professional League Indonesia, lalo na noong ‘di na rin siya nakita sa Piala Presiden Esports 2022 hanggang sa 14th World Championship ng International Esports Federation.
Habang offseason, pinagtuunan din ni Dlar ang kanyang stream, kasabay ng pagpapalawak ng kanyang relasyon at koneksyon sa mga MLBB community figure ng Indonesia. Kaya’t laking gulat ng lahat nang mag-tweet si Dlar ng “LFT” kamakailan.
Sa isang panayam kay Coach Bjorn “Zeys” Ong, sinabi niya na walang pagaalinlangan na may tsansa na makapasok ulit si Dlar sa EVOS Legends roster ng MPL-ID Season 11.
“Dia sudah kami rencanakan masuk ke dalam roster (season depan) 100 persen!,” eksklusibong sagot ni Zeys sa ONE Esports.
(Balak naming ibalik siya sa roster—100%)
Nang subukan naming kumpirmahin ang kanyang sinabi, idiniin ni Zeys na maglalaro na nga ang Pinoy EXP laner sa susunod na season.
“Sinisigurado ko—100%—siya ay nasa roster”, sagot ni Coach Zeys.
- Narito ang payo ni Sanji ng M4 champion ECHO sa mga nais maging Mobile Legends pro players
- Bennyqt matapos makuha ang M4 championship at Finals MVP: ‘Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko talaga’
Ang pagkapanalo ng ECHO ang naging motivation ni Dlar para sa M5 World Championship
Kasama ni Dlar na manood ng M4 World Championship grand final ang dati niyang kakampi at ngayo’y gold laner ng Bigetron Alpha na si Marky “Markyyyyy” Capacio.
Na-sweep ng ECHO ang Blacklist International sa iskor na 4-0—nabansagan din na 2-time World Champion si Karl “KarlTzy” Gabriel Nepomuceno. Ito ang nag-udyok kay Dlar na husayan pa para sa susunod na season.
“Sobrang sarap sa pakiramdam at nakaka-motivate na makakita ng champion na live sa mismong venue,” ani Dlar.
Inanunsyo na rin ng Moonton na ang M5 World Championship ay gaganapin sa Pilipinas sa pagatatapos ng 2023.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Bilang isang sikat na pick sa M4, gaano nga ba kalakas si Gloo para kay Butsss?