Isa si Tristan “Yawi” Cabrera sa mga players na nagningning sa M4 World Championship. Talaga namang nakakabilib ang performance na ipinakita ng high-mechanical roamer, at makikita ito sa resulta ng kanyang laro.
Maraming nagawang mahuhusay na plays sa Land of Dawn ang 21-year-old pro, at talaga namang nagamit nang husto ang kanyang kakayahan bilang initiator. Bangungot para sa mga kalaban ang kanyang Chou at Kaja.
At dahil sa performance na ito ay tinanghal ang ECHO na kampeon ng M4 World Championship. Ito ang kauna-unahang trophy na nakuha ni Yawi sa kanyang karera bilang isang pro player, sa kabila ng matagal niyang paglalaro sa ilalim ng Nexplay.
At dahil sa kawalan ng championship, naging mas kilala si Yawi bilang isang influencer at TikToker dahil sa kanyang presensya sa social media at sa Malaki niyang following.
Kung kaya’t hindi nakakagulat ang mainit na pagtanggap sa kanya ng maraming fans nang pumunta siya sa Indonesia. Isa siya sa mga Pinoy, maliban sa V33Wise, na nakatanggap ng mga regalo mula sa mga fans.
Yawi malaki ang pasasalamat sa kanyang Indonesian fans
Nagkaroon ang ONE Esports ng pagkakataon na makausap si Yawi. Sa isang eksklusibong interview, sinabi niyang ang M4 ang pinakaespesyal na tournament sa kanyang career.
Kinwento ng roamer malaki ang natanggap niyang suporta mula sa mga fans sa Indonesia, at sobrang pambihira nito.
“They are very friendly here (Indonesia). They are very accommodating and their MLBB community is indeed unusually large,” sabi niya.
Nagulat siya sa pagmamahal ng mga fans sa kanya at sa kanyang team, kahit pa katapat nila sa laban ay Indonesian team rin.
“I received a lot of flowers before the match against RRQ Hoshi. I also received many letters and headbands from fans in Indonesia,” dagdag pa niya..
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.