Todo arangkada ang M4 World champions na ECHO sa pagpasok ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11). Kitang kita ang sigla sa laro ng bawat player ng team, lalo na sa roamer nila na si Tristan “Yawi” Cabrera.

ECHO Yawi MVP MPL PH S11
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa unang game ng bagong season ay tinanghal siyang MVP sa kanyang 0/0/9 KDA at 93% kill participation laban sa defending champions na Blacklist International. Bitbit ang momentum sa nagdaang M-Series tournament, tinapos ng mga Orcas ang series sa score na 2-0.


Yawi nais makatapat ang RSG PH sa MPL PH S11

ECHO Yawi press conference MPL PH S11
Credit: Ron Muyot/ONE Esports

Sa post-match press conference, tinanong ng ONE Esports ang ECHO kung sino sa pitong MPL PH teams ang gusto nilang makalaban, at walang pag-aatubiling sinagot ito ni Yawi.

“RSG, kase gusto kong makalaban si H2wo,” sagot ng roamer. “Si H2wo gusto kong makatapat.”

Matatandaan na sabay silang pumasok sa Nexplay EVOS ni John Paul “H2wo” Salonga noong August 2020. Matagal silang naging magkasangga hanggang sa lisanin ni Yawi ang team upang maglaro para sa ECHO noong December 2021, samantalang si H2wo naman ay lumipat sa RSG PH nitong February 2023.

Credit: ONE Esports

“Gusto ko po makita kung ano po ‘yung malalabas niya sa ibang game bukod pa sa dating [nasa] Nexplay siya,” pagtatapos ni Yawi.

Sa tagal ng kanilang pinagsamahan, siguradong pamilyar na sila sa laro ng isa’t isa. Ngunit dahil din sa lumipas na panahon at magkaibang kampanya na kanilang pinagdaanan mula noong huli silang magkasama sa isang team ay tiyak na may pagbabago na ring naganap sa dalawang pro players. Sino nga ba ang mangingibabaw sa kanila?

Sa ngayon ay wala tayong magagawa kung hindi maghintay ng ilang linggo, dahil ang sagupaang ito ay magaganap sa Week 4 pa ng kasalukuyang season.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.