Ang pag-alis ni Xinnn sa RRQ Hoshi ay narinig na mahigit isang beses sa competitive scene. Kadalasan ang mga tsismis ay tungkol sa pagalis ng player na ‘to mula sa Manado sa King of Kings.
Ang professional career ni Xinnn ay kahanga-hanga. Sa tuwing sumasabak siya bilang parte ng roster, hindi nawawala sa MPL ID grand final ang RRQ Hoshi. Sa katunayan, noong naging mainstay na siya sa team, naging kampeon na ang RRQ Hoshi sa MPL ID S5 at 6.
Ngunit sa kasamaang palad, simula noong season 9, nagpasya si Xinnn na magpahinga sa pagiging competitive. Hindi lang dahil binigyan niya ng pagkakataon na mag-mature at makakuha ng karanasan si Skylar, ngunit pati na rin ay dahil ang dating Star8 player na ito ay may asawa at anak na.
Maiintindihan ng karam ihan dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa kaniyang pamilya habang papagpatuloy niya ang kaniyang trabaho sa live streaming. Isa siya sa mga MLBB streamers na may consistent at mataas na viewers.
Ang posibleng pag-alis ni Xinnn sa RRQ Hoshi
Isa sa pinaka-magandang ugali ni Xinnn ay ang kaniyang outspoken nature. Malakas ang loob niya magbitiw ng kaniyang opinyon sa mga live stream niya, at kaya naman nakarating na siya sa balita.
Matapos ma-leak ang RRQ roster ng Hoshi para sa MPL ID S10, ibinunyag na niya ang maaring mangyari. Alam na natin na kinokonsidera niyang malakas ang RRQ Hoshi at kaya niya napag-desisyonan na ‘wag nang lumahok dito. Kumpirmado na rin na hindi siya lalahok sa susunod na season.
Walang duda na naging isang interesadong usapan ang potensyal ng pag-alis ni Xinnn sa RRQ Hoshi. Inamin niyang maari itong mangyari, ngunit maghihintay muna siya na matapos ang kaniyang kontrata.
“We as players can determine our own ninja path. So the RRQ example is really good and I still want to play. When the contract expires, you only have two choices, change teams or retire, what do you think?” sinabi niya sa kaniyang live stream.