Ibinahagi ni Yesaya “Xinnn” Wowiling ang kaniyang opinyon sa pagkabigo ng EVOS Icon na madepensahan ang kanilang korona kontra Bigetron Beta sa gumulong na MDL ID Season 6 Grand Finals kamakailan.

Ito ay kahit pa ang EVOS ang paboritong manalo sa nasabing torneo, matapos mabilis na patumbahin ang Dewa United sa semifinal, 2-0. Gayunpaman, natagpuan ng Icon ang kanilang mga sarili sa final score na 0-3 kontra sa Red Robots sa huling serye ng patimpalak.

Hindi itinago ni Xinnn sa larong ipinakita ni Ferxiiic sa nasabing serye kung saan hinawakan nito ang assassin/mage na Gusion sa jungler role, na aniya ay hindi dapat ginawa ng ‘Wonderkid’.


Reaksyon ni Xinnn sa laban ng EVOS Icon at Bigetron Beta sa MDL ID S6 Grand Final

Credit: MDL

Sa isang livestream sa kaniyang personal na YouTube channel, nagbahagi ng ilang komento sina Xinnn at JiiSaa sa naging resulta ng labanan sa pagitan ng Bigetron Beta at EVOS Icon. Ayon sa RRQ pro, hindi daw niya inaasahan ang naging performance ng Red Robots na nagawang patumbahin ang paboritong Icon sa 3-0 score.

“3-0, I din’t expect BTR to be like that,” pag-aamin ng MLBB personality. Pagbubuod pa niya, may dalawang rason daw kung bakit matagumpay ang BTR sa nasabing serye. Una ay dahil nasa peak performance daw ang bawat manlalaro sa team. Gayunpaman, hindi itinanggi ng beterano na mahirap masigurado na nasa hulog ang bawat player kaya naman nasa EVOS ang kaniyang taya.

“I predicted that 100% that EVOS can win,” saad niya.

Pangalawang rason kung bakit nanalo ang BTR ayon kay Xinnn ang kritikal na pagkakamali ni Ferxiic na hinawakan ang Gusion sa Jungler role. Aniya, hindi raw ito angkop laruin ngayon sa nasabing position.

“Suddenly (EVOS Icon) in the grand final became chaotic. Ferxiic used Gusion, and Gusion cannot be placed in the Jungler position. It should only be in the mage position,” komento ng 23-anyos.

Credit: Moonton

Pagtutuloy ng pro, “If you make it a jungler, it’s a shame: the movement takes a long time, farming takes a long time,”

“If you are used to playing Gusion Jungler in the rankings, don’t take it to the tournament. It’s better (Gusion) to be a midlaner,” daing ni Xinnn.

At may punto naman ang RRQ veteran sa kaniyang komento. Hindi napigilan ng EVOS ang objective-centered na tirada ng mga bataan ni Razeboy na kinumpleto ang 3-0 para kuhanin ang korona.


Bakit nga ba hindi na pinapaboran ang Gusion sa jungle?

Credit: Moonton

Totoo, malakas na assassin sa early game ang Gusion kung kaya’t patuloy itong ginagamit ng players sa ranked games. Ngunit sa pro play, mahirap pagulungin ang early game powerspike ng karakter dahil talamak ang panggugulo at invades mula sa kalabang team kung ito ay nakapuwesto bilang jungler.

Ito ay dahil batid ng mga koponan ang snowball potential ng Gusion, kaya maaga pa lamang ay susubukan na itong puguin nang mapigilan ang rotation ng hero sa mapa. Gayunpaman, iba ang gameplay na kayang pagulungin ng Gusion kung ilalagay sa midlane role. Gaya ng Julian, trabaho ng midlane Gusion na pukpukin ang kalaban gamit ang high magic damage output bago lumabas ng teamfights.

Mas panatag din ang Gusion players sa mid dahil makakakuha ang hero ng gold at experience dahil hindi siya ang sentro ng agresyon ng kalabang roam at midlaner. Kaya naman, magagawa ng hero ang kaniyang trabaho ng mas mabilis dahil makakapondo siya ng importanteng levels at items.Kung susumahin, may punto ang banggit ni Xinnn tungkol sa pinagulong na plano ng EVOS.

Pagsasalin ito sa gawa ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Kung hindi si Kairi ang best Fanny sa MPL ID S10, sino?