Dalawang linggo makalipas magsimula ang MPL Philippines Season 11, unti-unti nang nakikita ang heroes na humuhulma sa meta play sa tinaguriang pinakamalakas na MLBB rehiyon sa buong mundo. Kasabay nito, kapansin-pansin ang patuloy na pagtatanggal ng teams sa isang partikular na hero sa drafting phase.
Ito ay walang iba kundi ang Wanwan.
Sa pinakahuling datos mula sa MPL PH, nakapagtala ng sumatotal na 31 bans at nakalululang 100% ban rate ang marksman. Ibig sabihn, sa 31 games na nilaro sa dalawang linggong gumulong ang regular season ay walang pagkakataon na nakalusot ang Agile Tiger. Ang tanong ngayon: bakit ganoon na lamang kaayaw ng teams makalaban ang hero?
Ang bantog na MPL caster at analyst na si Caisam Yvez “Wolf” Nopueto, naghandog ng maikling paliwanag.
OP daw si Wanwan sa laning pati sa team fights ayon kay Wolf
Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports Philippines ang MLBB analyst ukol sa huling datos na lumabas ukol sa banning ng Wanwan. Aniya, simple lang ang rason kung bakit panay na-baban ang hero sa MPL PH ngayon.
“Simpleng lang eh. OP si Wanwan sa laning phase tiyaka medyo sure win sa team fights,” diretsong tugon ng beteranong caster.
Bagamat matagal na noong unang pumasok sa meta ang marksman, nanatili daw itong isa sa pinakamalakas na heroes sa gold lane dahil mismo sa skillset nito.
Paliwanag ng beteranong esports caster, “Imagine, libre yung purify mo from Needles in Flowers, tapos may Tiger Pace pa. Swallow’s Path for bush checks and lane control. This means puwede ka mag-focus agad sa offensive items.”
“Kaya kung pansin niyo, Corrosion Scythe agad binubuild kay Wanwan,” punto pa ni Wolf.
Pagdako naman ng team fights sa mid to late game, hirap daw talaga ang sinumang makakaharap sa labanan ang Agile Tiger. “Crossbow of Tang is still one of the most OP ultimates, if not the most OP,” banggit pa ng MPL talent.
Sinasalamin ng mga sinabi ni Wolf ang pagpuntirya sa marksman sa unang dalawang linggo ng season kung saan madalas first phase pa lamang ng draft ay tinatanggal agad ito ng teams.
Makikita pa kaya sa mga susunod na linggo ang hero?
Sundan ang pinakahuli sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: MPL PH S11 Top 5 most banned heroes matapos ang Week 2