Nabulabog ang mundo ng Mobile Legends matapos magawa ng Geek Fam ID ang hindi inaasahan, nang patumbahin nila ang bigating Blacklist International sa Quarterfinals ng MPL Invitational 2022. Bagamat naging palaisipan ang naganap para sa marami, sa panig ni Danerie “Wise” Del Rosario, dalawa lamang ang dahilan kung bakit ganoon ang kinalabasan ng serye.

Mas preparado lamang daw ang Indonesian team kaysa sa kanila, at may epekto ang pagod sa kanilang performance noon.

Credit: ONE Esports

Ito ang nilinaw ng Blacklist jungler sa eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports Philippines. Bukod dito, inilahad din ni Wise ang estado ng team bago at matapos ang kanilang kampanya sa international na patimpalak.


Wise: Kinulang ang Blacklist dahil sa pagod, mas preparado ang Geek Fam ID

Bagamat maagang napurnada ang kampanya sa MPLI 2022, binura ni Wise ang haka-haka na hindi naghanda ang kaniyang koponan para sa bakbakan. Aniya, “Talagang gusto naming manalo. Talagang nag-preprare kami tulad ng pag-prepare namen nung MPL.”

Credit: ONE Esports

Gayunpaman, hindi itinago ng tinaguriang King of the Jungle na malaki rin ang epekto ng pagod sa naging performance nila sa international event. “Kinulang lang siguro sa araw kase nung nag-champion kami nung sa MPL, after noon isa lang yung naging day off namen. One day lang. Siguro pagod na din, gusto nang magpahinga, ganon. Kaya parang ‘di ganoon kalakas yung form namen nung MPLI,” kuwento niya.

Dagdag pa ng esports pro, “Pero lahat naman kame gusto mag-champion, parang alam mo yun, kahit gusto mo, iba talaga pag pagod ka na.”


Credit: ONE Esports

Kasabay nito, kinikilala rin ni Wise ang gilas ng mga miyembro ng Geek Fam ID sa naturang tapatan. “Talagang mas better lang yung naging galawan nung Geek Fam nung match namin. Mas kitang-kita na mas prepared sila kaysa sa [mas prepared kame],” banggit niya.

Pagtutuloy pa ng 22-anyos na pro, “Tiyaka ayun din, malupit din si Hadess eh, mas [nakilala] ko siya sa Hadess kaysa sa Janaaqt. Tiyaka si Greed din. Kahit yung mga sidelaners nila, si LUKE si Caderaa tiyaka yung isa si Aboy, marunong din talaga.”

Para sa iba pang eksklusibong content, i-like at i-follow lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: EKSKLUSIBO: OhMyV33NUS aminadong lumakas ang ID teams, malaki ang epekto ng PH imports