Lumabas ang pambihirang Alice jungle sa MPL Philippines Season 11 nang i-pick ito ng Blacklist International para kay star player Danerie James “Wise” Del Rosario kontra Smart Omega sa Week 2 Day 2.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumitaw sa liga ang sumisikat na gameplay sa naturang mage/tank hero. Sa kabila nito, naging matagumpay ito sa kamay ng tinaguriang “King of the Jungle” na tinulungan ang Codebreakers na iselyo ang 2-0 sweep laban sa Barangay.
Bagamat namataan na ang ganitong tipo ng Alice sa MDL PH Season 1 nang gamitin ito ng GameLab laban sa RSG Ignite, hindi masasabi kung magiging kasing-epektibo ito sa MPL kung saan mas mataas ang antas ng kompetisyon.
Kung gayon, bakit napagdesisyunan nila Wise at Blacklist International na ilabas ito nitong Week 2?
‘Pasok kasi sa playstyle ko,’ saad ni Blacklist International jungler Wise
Sa post-match interview kasama si host Mara Aquino, ipinaliwanag ng M3 world champion at 3-time MPL PH winner kung bakit isinalang niya ang Alice sa natatanging serye nila sa ikalawang linggo ng liga.
“Madami po kasing gumagamit tapos triny ko po at pasok kasi sa playstyle ko kaya ginagamit namin,” paglalahad niya.
Dagdag pa niya sa press conference: “Lagi naman na talaga namin (ginagamit) si Alice sa jungle kaya ‘di na rin nakakagulat (para sa’min). Tapos tinry lang namin at nag-work siya.”
Isa pa sa mga dahilan ang nakitang potensyal ni Wise na halos “unlimited” ang Blood Ode ultimate ng hero dulot ng purple buff, swak sa pangunahing istilo ng batikang manlalaro bilang isang utility jungler.
Malaking factor din ang MLBB patch 1.7.32 sa pag-usbong ng Alice jungle. Nilagyan ng nasabing patch ang kanyang Blood Ancestry passive ng panibagong mechanic kung saan nakakakuha na rin siya ng blood orbs mula sa jungle creeps.
Ang item build ni Wise para sa Alice jungle
- Demon Shoes (Ice Retribution)
- Clock of Destiny
- Dominance Ice
- Winter Truncheon
- Athena’s Shield
- Glowing Wand
Ipinangpalit niya ang Immortality sa Winter Truncheon pagdating ng late game.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.