Patuloy na umuusbong ang Arlott bilang isa sa mga kinikilingang EXP lane heroes sa MPL Philippines Season 11. Mapapanood sa gumugulong na regular season ang kayang gawin ng fighter sa loob ng mapa gawa ng mataas niyang mobility at pambihirang damage output.

Mas makikitang maigi ang tunay na lakas ng fighter sa kamay ng pinakabantog na EXP laners sa mundo tulad nina Edward “EDWARD” Dapadap ng Blacklist Interantional, David “FlapTzy” Canon ng Bren Esports at Nathanael “Nathzz” Estrologo.

Credit: MPL Philippines

Ngunit paano nga ba nagagawa ng players na ito na ilabas ang tindig ng bagong hero? Ang MPL talent at M World Series analyst na si Caisam “Wolf” Nopueto, may obserbasyon ukol dito.


Pagsusuri ni Wolf sa Arlott users sa MPL PH

Eksklusibong nakausap ng ONE Esports Philippine si Wolf para alamin kung bakit nga ba patuloy na opsyon sa EXP lane ang Arlott sa MPL PH Season 11. Nauna na niyang ipahayag na kaya daw kasi talunin ng hero ang karamihan sa meta EXP laners ngayon.

Credit: ONE Esports

Gayunpaman, may napansin daw ang batikang analyst sa ginagawa ng Arlott user sa Pinas tulad ni EDWARD, Nathzz at FlapTzy. Parati daw kasi nakukuha ng mga ito ang winning conditions nila.

“Kailangan magaling ka mag-duel at outplay. Gamitin ang kit ng hero para makapag in-and-out sa laban at manalo ng teamfights via outplay. Ang nakikita ko sa Pinas nitong past few weeks na ginamit si Arlott is sa ganoong mga moments,” kuwento ni Wolf.

Hindi lang daw dito umiikot ang laro ng players sa MPL PH hawak ang hero. Dagdag ng MPL caster, “May panggulat sa late game, pero malakas mag duel sa early at laning phase.”

Credit: MPL Philippines

Dahil sa malimit na pagtanggal sa Joy at Lapu-Lapu sa draft sa unang bahagi ng regular season, patuloy na tumataas ang bilang ng picks nito sa draft. Simula Week 1 hanggang Week 4, 10 beses pa lamang nakuha ang Arlott. Ngunit nakakagulat na ngayong Week 5 pa lamang ay 13 ulit na nakuha ang hero.

Maasahan na mas magiging patok ang EXP lane hero sa mga susunod na linggo ng regular season.

Para sa iba pang MLBB content, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Phiippines!

BASAHIN: Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player