Ang dalawang top MLBB leagues ay nagbigay pansin sa Wanwan phenomena. Dahil dito, naging 100% ang ban rate ni Wanwan na hinatol sa lahat ng teams sa dalawang liga na ito, at ibig sabihin nito ay ilegal na gamitin ang Marksman hero na ito.  

Sa week 1 ng MPL ID S11 at pati na rin sa MPL PH, sina Wanwan at Joy ang mga heroes na laging banned ng pangalawang pick team sa unang phase. Sa pagumpisa ng week 2, nagkaroon ng pagkakataon si Joy na lumabas sa dalawang liga.  

MLBB Joy

Dahil dito, hindi malilimutan na hero si Wanwan sa MPL ID at MPL PH. Ang phenomenon na ito ay hindi mangyayari nang walang dahilan, syempre.  

Indirektang pinapakita ng statistik na ito na siya ang pinaka-overpowered (OP) na hero sa pinaka-latest na MLBB meta. Ang team na makakakuha nito ang may mas malaking pagkakataon na manalo.  

MLBB wanwan MPL ID S11
Credit: Youtube/Esportstvid

Ano nga ba ang mga kalakasan ni ng Marksman hero na ‘to sa kasalukuyang MLBB meta? Gaano kalakas ang 89th hero ng Moonton na ito sa Land of Dawn? Tignan ang mga reviews.  

100% ang ban rate ni Wanwan dahil siya ang may pinaka-OP skills at may bago siyang item favor 

MLBB Wanwan

Simula ng iilang seasons ng competitive scene at ang pinakabagong MLBB patch, laging top choice si Wanwan ng mga pro teams sa goldlane. Nangyari rin ito sa MPL ID S10, kung saan na-ban ang Agile Tiger nang 125 times sa 172 games na nilaro, sa ilalim ni Fanny na may 131 ban times. 

Kahit na hindi pa nakakatanggap ng buff si Wanwan sa mga nakaraang MLBB patch, nakatanggap siya ng mga serye ng nerfs na sapat na para hindi siya maging kasing-OP tulad ng dati. 

Ngunit hindi maipagkakaila na si Wanwan na ang most forbidden hero na laruin sa MPL. Kung wala pa ring magbabago sa mga susunod na patch, maaaring magpatuloy ito hanggang sa wakas ng season.   

Sinubukan ipaliwanag ni MPL PH caster/analyst na si Caisam Yvez “Wolf” Nopueto ito sa ONE Esports Philippines.  

MLBB Wolf Nopueto

“Simple. Wanwan is very OP in terms of the laning phase and she has a slight advantage in team fights,” sinabi ni Wolf sa ONE Esports Philippines. 

Kahit na matagal nang nasa Land of Dawn si Wanwan at marami na siyang counters tulad nina Hayabusa, Eudora, Phoveus, ang skill set ng Marksman na ito ang isa sa mga rason kung bakit siya kinakatakutan ng mga kalaban niya.  
 
“Imagine, you can get free Purify from Needles in Flowers (skill 2) and have Tiger Pace (passive skill). Swallow’s Path (skill 1) for bush check and lane control. This means you can immediately focus on offensive items,” sabi ni Wolf. 
 
“If you pay attention, the Corrosion Scythe will always be (directly) made by Wanwan players,” sabi niya, habang kinunsidera na ang item ay gawa ng Swift Crossbow na nagbibigay sa mga Wanwan users ng attack speed at adaptive damage sa bawat basic attack sa early game. 

MLBB Crossbow Wanwan
Source: MLBB

Habang sa mga team fights sa mid hanggang late game, maaring masabi na mahirap talunin si Wanwan sa kaniyang mga attacks, lalo na kung ginagamit niya ang kaniyang ultimate, ang Crossbow of Tang.  


“Crossbow of Tang is still one of the most OP ultimate skills, if not the most OP,” sabi ni Wolf. 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, resulta at updates tungkol sa MLBB.