Inanunsyo na ang venue at petsa para sa napipintong MPL PH Season 11 playoffs.

Isinapubliko sa papamagitan ng opisyal ng social media channels ng liga na idaraos ang playoffs para sa ika-11 season sa SMX Convention Center sa Pasay City. Nakatakda itong ganapin simula ika-apat hanggang ikapito ng Mayo.

Venue at petsa ng MPL PH Season 11 playoffs, tukoy na
Credit: MPL Philippines


Ano ang dapat abangan sa MPL PH Season 11 playoffs?

Credit: ONE Esports

Tampok sa playoffs ang anim na koponang makaka-alpas mula sa regular season. Sa ngayon, dalawang koponan na ang nakaselyo ng kanilang puwesto, ang BREN Esports at ECHO.

Bukod sa pinaka-aasam na kampeonato at pinakamalaking bahagi ng $75,000, o mahigit ₱4 milyon, na prize pool, nakasalalay din sa naturang bahagi ng turneo ang dalawang tiket na nakalaan sa bansa para makapaglaro sa MLBB Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023).

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pilipinas ang titulo matapos itong iuwi ng RSG Philippines noong nakaraang taon. Gaya dati, ang dalawang grand finalists ng MPL PH Season 11 playoffs ay ang mabibigyan ng pagkakataong maging kinatawan ng bansa para sa naturang international tournament.

Samanatala, inaasahang tampok din sa MPL PH Season 11 playoffs ang pagpapakilala sa ika-12 Hall of Legends inductee. Matatandaang nakatanggap ang 11 miyembro ng liga noong nakaraang season dahil sa kanilang kontribusyon at napagtagumpayan sa larangan ng MLBB.

Credit: ONE Esports

Nakatakda pang ianunsyo ng MPL Philippines ang karagdagang detalye tungkol sa ticket selling, pati na rin kung ano pa ba ang dapat abangan sa paparating na playoffs.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito ang puno’t-dulo ng mainit na usapin na kinasangkutan nina Wise at Ribo ayon kay Coach BON CHAN