Naka-ukit na sa kasaysayan ng Mobile Legends: Bang Bang esports sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James bilang parte ng Hall of Legends.
Tanyag ang tinaguriang V33Wise Duo dahil sa UBE strategy, ang sikat na stratehiyang sumelyo sa kaliwa’t-kanang kampeonato ng Blacklist International.
Napatunayan ni Wise na sa eksenang pinamumugaran ng mga jungler na may matataas nag mechanical ceiling ay kayang niyang mangibabaw gamit ang mga utility heroes—dahilan para tawagin siyang King of the Jungle
Samantala, kilala naman si The Queen sa paghulma ng meta gamit ang utility roamers tulad ng Estes, Rafaela, Mathilda, at Diggie. Nananatiling world-class ang kanyang macro skill at decision-making, dahilan para mapangibabawan nila ang MLBB Professional League Philippines (MPL PH).
Kasabay ng mga Filipino players na lumipad para maglaro sa ibang bansa, may tsansa nga rin ba para sa V33Wise na pangibabawan ang MPL Indonesia?
- Eksklusibo: Zeys ibinunyag ang tsansa ni Dlar na makapaglaro sa EVOS Legends sa MPL ID S11
- Matapos mabigo sa M4, OhMyV33NUS may pangako sa fans: ‘This is still not the last of us’
Bukas daw ang oportunidad para sa kina V33Wise na lumipat sa MPL Indonesia
Nauna nang inamin ng V33Wise sa isang stream na hindi nila ini-etsa-puwera ang posibilidad na lumipat sa MPL Indonesia.
Kaya sa isang eksklusibong panayam, kinumpirma ng ONE Esports kay Wise noong M4 World Championship, kung bukas nga ba ang oportunidad na ito para sa kanila.
“Kahit anong team na may magandang offer basta magkasama kami ni OhMyV33nus. Kung papipiliin ako ng team, siguro RRQ Hoshi, EVOS Legends, o ONIC Esports,” sagot ni Wise.
Ang tatlong esports organization na binanggit ni Wise ang pinakamalalaki sa eksena ng MLBB sa Indonesia. Pinangibabawan ng mga ito ang buong 10 seasons ng MPL ID, maliban na lang noong unang season.
Bagamat wala pang opisyal na anunsyo, inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa roster ng Blacklist International bilang paghahanda sa ika-11 season ng MPL PH.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Narito ang payo ni Sanji ng M4 champion ECHO sa mga nais maging Mobile Legends pro players