Wala pa ring koponan ang nakakatalo sa Blacklist International nang dalawang sunod na beses simula nang pumasok sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie James “Wise” Del Rosario sa koponan.
Ito ay matapos nilang ibalik ang 2-0 na pabor sa ONIC Philippines nang magharap ang dalawa sa ikapitong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Hadji back-to-back MVP sa tagumpay ng BLCK kontra ONIC
May mas u-ultimate pa pala sa signature Ultimate Bonding Experience (UBE) ng BLCK. Ito ang pinatunayan nila matapos iselyo ang unang mapa ng serye sa tulong ng Faramis ni Hadji “Hadji” Imam at Estes ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna.
Bagamat napalagan ng mga rookie ang reigning world champions salamat sa baong jungle Minotaur ni Stephen “Sensui” Castillo, hindi pa rin ito naging sapat para madaig sa team fight ang .
Hinirang na MVP si KDA Machine matapos magtala ng 100% kill partcipation. Kumpleto sa damage items ang kanyang Faramis, gaya ng Glowing Wand, Divine Glaive, at Lightning Truncheon, para makapagtala ng tumatagingting na 130,834 damage.
Tambalang Valentina at Faramis naman ang inilabas ni Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza pagdako sa ikalawang mapa ng best-of-three. Sinubukan itong sagutin ng ONIC gamit ang Rafaela ni Ralph “Rapidoot” Adrales, pero hindi ito naging sapat para makipagsabayan sa lakas ng BLCK pagdating sa team fight.
Muling pinagbidahan ni Hadji ang bakbakan. Hinirang na MVP ang kanyang Valentina matapos kumana 62% kill participation nang hindi namamatay kahit isang beses.
Samantala, susunod namang haharapin ng BLCK ang ECHO, isa pang koponan na tumalo sa kanila noong una nilang paghaharap. Nakatakdang iraos ang kanilang bakbakan sa Linggo, ika-25 ng Setyembre, sa ganap na ikawalo ng hapon.
Masusubaybayan ang mga laban sa opisyal na YouTube at Facebook pages ng MPL Philippines.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Ang kailangan gawin ng bawat team para makapasok sa playoffs ng MPL PH S10