Ang pinakaunang Turkey MLBB pro league ay nandito na — at MSC 2023 agad ang maapektuhan nito. 

Walong team ang maglalaban-laban para sa US$26,500 na prize pool. 

May aasahan na ang mga Mobile Legends: Bang Bang esports fans sa turkey sa mga paparating na linggo.  

Ibinunyag ng Moonton ang Türkiye Championship (MTC), ang kauna-unahang professional league para sa MLBB sa bansa.  

Gaganapin ang tournament mula March hanggang May, at magsisilbi bilang qualifier para sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023) sa June.  

Lahat ng dapat mong malaman sa MLBB Türkiye Championship 

MLBB M4 World Championship Incendio Supremacy
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Susundin ng Türkiye Championship ang struktura ng mga ibang Mobile Legends: Bang Bang Professional Leagues at magkakaroon ng hanggang walong teams na maglalaban-laban para sa prize pool na TL₺ 500,000, o US$26,500. 

Sinabi ni Ajay Jilka, ang head ng MLBB Esports Turkiye at CIS, na umaasa siya na mapapalakas ng tournament na ito ang Turkish esports community. 

“Türkiye Championship aka MTC is an evolution of our previous qualifiers for our M Series World Championships,” sabi niya. “The strength of Incendio Supremacy in Jakarta this year has showcased the prowess of Turkish teams on the global stage, which we hope to see grow to new heights this year.” 

Nakakuha ng atensyon ang MLBB scene sa Turkey matapos ang M4 World Championship. 

MLBB Türkiye Championship
Credit: Moonton

Sumikat ang Turkish representative na Incendio Supremacy matapos nilang malagpasan ang mga expectations at tinalo ang mga matatag na teams tulad ng Falcon Esports ng Myanmar sa group stage, at ang MPL MY Season 10 champions na Team HAQ sa lower bracket ng knockout stage. 

Nagtapos sila sa 7th-8th place sa standings. 

Sundan ang ONE Esports Philippine sa Facebook para sa mga balita tungkol sa MLBB.