Mabibilang ang mga nagpalagay na malalampasan ng Geek Fam ID ang paboritong Blacklist International sa gumulong na MPL Invitational 2022 kamakailan. Ngunit pinatunayan ni Allen “Baloyskie” Baloy na may tira ang kaniyang Indonesian squad nang walisin nila ang dekoradong team sa quarterfinals.
Hindi man nakumpleto ng Geek Fam ID ang kanilang Cinderella run makaraang magapi ng ONIC Esports sa Grand Finals, umani ang koponan ni Baloyskie ng paghanga mula sa Mobile Legends community, partikular na ang Blacklist Agents na nagpaabot ng kanilang pagbati sa magandang ipinakita ng koponan.
Pangunahin sa mga ito ang CEO ng Tier One Entertainment na si Tryke Gutierrez.
Tryke: ‘Geek Fam came prepared’
Bagamat nagapi ang kaniyang Blacklist squad ay patas ang tantiya ni Tryke sa mga kaganapan sa inantabayanang serye sa MPLI 2022. Sa isang post na inilapag niya sa Facebook group ng Blacklist Agents, inamin niya na may rason kung bakit Geek Fam ID ang nakakalawit ng tagumpay.
“Geekfam came prepared, I think it’s valid to think that they adjusted to the meta quicker than we did,” aniya.
Sa puntong ibinihagi niya ito ay patuloy pang nahuhulma ang metaplay kung kaya’t banggit pa niya, “Whether it was outplay or outstrat we got to give them credit cause they came prepared.”
May pundasyon ang argumento ng Chief Executive. Kalaunan ay Geek Fam ID ang isa sa mga koponang magpapagulong ng pambihirang Lethal Burst Meta, isang strat kung saan sentro ang burst damage junglers sa komposisyon ng team para mapagulong ang early game kalamangan at mabigyan ng oras at espasyo ang gold laners na makakuha ng key items.
Hindi rin niya itinago kung bakit malaki ang hamon ng teams sa idinaos na international event. “Outside of that the difference between Moonton-sanctioned leagues and MPLI is the single elims factor, walang second chance kaya mahirap.”
Pakunswelo naman niya sa kaniyang Agents, “If we had one we’ll probably figure them out but it is what it is. Bigger games are coming, no excuses.”
I-liket at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita sa Mobile Legends.
BASAHIN: Eksklusibo: Dahilan kung bakit sineryoso ng ONIC Esports ang MPLI 2022