Natapos na ang Mobile Legends: Bang Bang M3 World Championship noong December 19, 2021, at mukhang hindi pa tapos ang hype tungkol dito, lalong-lalo na para sa mga Filipino Mobile legends fans. Heto ang top 5 na plays mula sa M3 World Championship.

Mula sa pagiging champion ng Blacklist International, hanggang sa matinding upset ng BTK sa unang match ng playoffs at pagpapakilala sa World Stage, ang M3 World Championship ay nagbigay sa atin ng mga hindi makakalimutang mga plays na panghabangbuhay na maalala sa M-series.

Top 5 na plays muls sa M3 WWorld Championship
Credits: Moonton, Blacklist International

Top 5 na plays mula sa M3 World Championship

5. BTK’s game-winning moment against the PH powerhouse Blacklist International

BTK ang may pinakamagandang panimula sa M3 World Championship playoff matapos nilang ilaglag sa lower bracket ang crowd-favorite na Blacklist International.

Naging mahigpit ang bakbakan na umabot ng limang laro, pero may iisang teamfight na tiyak na nag-baliktad ng laban at nagbigay ng pabor sa North American squad.

Sa huling mga sandali ng ikalimang laro ng series, nasa Blacklist International ang upper hand ng laban, pero dahil kay FwydChickn ng BTK at sa kaniyang clutch ng Power of Order: Brilliance, nagulo ang formation ng Blacklist International.

Nakapag counterattack ang BTK, at tuluyang nakakuha ng apat na kills laban sa Filipino squad. At dahil iisa na lang ang natitira para sa Blacklist, tinuluyan na ng BTK ang base ng kanilang kalaban upang mag-advance sa next round ng upper bracket ng playoffs.


4. Wise-S-S ng Blacklist International

Si Danerie James “Wise” del Rosario ng Blacklist International ay kilala na bilang Wise-S-S ng Pinas, at talaga nga namang nadala niya ito hanggang sa world stage. Sa lower bracket playoff laban sa Keyd Stars, napatunayan niya ang kaniyang galing bilang isa sa mga pinakamalulupit na marksman jungler sa Land of Dawn. Kung papanoorin ang kaniyang galawan, talaga nga namang maiisip mo na pasok ito sa top 5 na plays mula sa M3.

Nakadepensa ang Keyd Stars sa kanilang huling depensa laban sa aggresive push ng Blacklist International. Maganda naman ang laban para sa kanila, ngunit tinuldukan ito ng Yi Sun-shin ni Wise na lumalim sa depensa ng Keyd Stars at nakakuha ng isang madaling Maniac kill streak.

Tuluyan na ring nakakuha ng 3-0 sweep ang Blacklist International sa lower bracket, at siyang tumapos ng lahat ng representatives mula sa MPL Brazil sa torneo.


3. Fast hands na Ling ni FARWAY ng Bedel

Sinasabi na sa lahat ng mga jungler ng mga non-MPL teams, at ang play na ‘to ang nagpatunay.

Naipakita niya ang kaniyang gilas matapos maka-secure ng Turtle habang nakakuha ng apat na kills sa mga miyembro ng MPL Brazil na Keyd Stars. Ngunit sa likod ng magandang play na ito, hindi pa rin nakakuha ng panalo ng kaniyang koponan, at tuluyan na ring na-eliminate sa tournament.

Gayunpaman, wala nang ibang destinasyon kung hindi paakyat si FARWAY at para sa iba pang miyembro ng Bedel, dahil ipiniakita nila na kaya nilang makipag sabayan sa mga beterano nang MPL regions.


2. Malinis na Maniac streak ni Filipino Sniper OHEB ng Blacklist International

Si Beatrix ang mahihirang na pinaka-dominanteng hero sa M3 World Champiomship, at lahat ng iyan ay dahil na rin sa grand finals MVP na sa Kiel “OHEB” Soriano.

Isa sa mga pinakamagandang play niya sa hero na ‘to ay ang kanyang Maniac kontra sa Bedel ng Turkey sa unang araw ng tournament. Ginamit lang niya ang Nibiru na baril ni Beatrix, at nakakuha agad siya ng apat na kills sa apat na miyembro ng Bedel sa isang mahigpit na teamfight.

Nakuha pa rin ng Blacklist International ang panalo, at sa buong torneo’y hinirang na “The Filipino Sniper” si OHEB dahil sa kaniyang galing sa pag-gamit ng Beatrix.


1. Ang napakatinding Savage Play ni RRQ Alberttt

Ang superstar ng RRQ Hoshi na si Albert “Alberttt” Neilsen Iskandar ay nagpasiklab agad sa kanilang M3 World Championship run. Sa group stage pa lang, nakakuha na agad siya ng dalawang Maniac streaks, at tuluyan pang nakakuha ng savage, sa loob ng tatlong laro habang hindi natatalo sa Group D. Dagdag pa diyan, sa tatlong laro nila sa group stage, hindi namatay ni isang beses si Alberttt, at nakakuha pa ng tatlong MVP remarks.

Sa play na ‘to, nag all-in na si Alberttt gamit ang kaniyang roger at kinalmot ang limang miyembro ng RSG SG para ma-secure ang unang savage ng tournament. Ang play na ito ay isang patunay kung gaano ka-dalubhasa si Alberttt sa hero, sapagkat ang buong RSG SG ay hindi man lang maka-react sa kaniyang pananalasa, at tuluyan nang naging pang-una sa Top 5 na plays mula sa M3 World Championship.

Ito ay pagsalin mula sa orihinal na article na ito.