Isa ang Todak sa dalawang Malaysian team na makikipagsapalaran sa paparating na M4 World Championship, na nakatakdang iraos sa susunod na taon sa Jakarta, Indonesia.
Bukod sa RRQ Hoshi, Todak lang ang tanging koponan sa Mobile Legends: Bang Bang na nakasabak sa lahat ng apat na M-series tournament.
Gayunpaman, gaya ng RRQ Hoshi, hindi pa sila nakapag-uuwi ng kampeonato.
Nais itong baguhin ng bagong saltang coach na si Ariff “Amoux” Iswandi para mahirang na ang kauna-unahang Malaysian MLBB team na makapagseselyo ng world championship title.
- Coach Pauloxpert at BREN Esports naghiwalay na ng landas bago ang MPL PH Season 11
- Paano naghahanda ang Blacklist sa M4 sa kabila ng IESF WEC 2022?
Nais ni Coach Amoux ng Todak na higitan ang kanyang M-series record
Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, ibinahagi ng dekoradong coach ang kanyang layunin para sa koponan papasok sa prestihiyosong turneo.
“My goal is to beat my own record,” deklara niya. “Hopefully I can help Todak achieve greater because I haven’t really experienced competing in M2 and M3.”
(Ang layunin ko ay higitan ang nakamit ko na. Sana matulugan ko ang Todak na magtala ng mas magandang resulta dahil hindi ko ako nakasabak sa M2 at M3.)
Hindi ito ang unang beses na iko-coach ni Amoux ang kinatawan ng Malaysia. Bago kasi siya kunin ng Bigetron Alpha at Geek Fam, tinulungan niya ang Todak na magtapos sa ikatlong puwesto noong M1 World Championship.
Dahil karamihan sa mga manlalarong sumabak noong kauna-unahang world championship ay nasa koponan pa rin ngayon, marahil ay hindi ganon kalaki ang magiging paga-adjust ni Coach Amoux.
“Every team is improving year by year,” aniya. “But we want to show them that Todak is still at a high level.”
(Gumagaling ang bawat koponan kada taon. Pero gusto naming patunayan nasa mataas na lebel pa rin ang Todak.)
Naluklok sa Group B ang Todak kasama ang MPL ID Season 10 champion na ONIC Esports, Mekong winner na MDH Esports, at Malvinas Gaming ng Argentina.
Nakatakdang iraos ang M4 World Championship simula ika-isa hanggang ika-15 ng Enero sa susunod na taon.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Kilalanin si Boss Rada: Ang taong parating pinasasalamatan ng Blacklist International