Opisyal nang pagugulungin ang pinakamahigpit na Mobile Legends kumpetisyon sa Pilipinas sa MPL PH S10 Playoffs ngayong October 20 hanggang 23, ayon sa anunsyo ng liga kamakailan. At katulad ng ginawa sa regular season, bubuksan muli ang aksyon sa mga fans na maaaring mapanood ang mga labanan ng live sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.
Inaasahan ng organizers ng liga na sa paglipat ng event sa mas malaking venue (mula sa ICITE Building sa Quezon City din) ay mas maraming fans din ang mabibigyan ng pagkakataon na masaksihan at masuportahan ang kanilang mga paboritong players at teams offline at onsite.
Pero paano nga ba makakuha ng tickets para dito?
Paano bumili ng ticket para sa MPL PH S10 Playoffs?
Para sa mga gustong masaksihan ang MPL PH S10 Playoffs live at onsite, maaaring bumili ng tickets sa ticket2me, ang opisyal na ticketing partner ng liga, simula October 3.
Simple lamang ang paraan kung paano bumili ng ticket. Puwedeng i-check out ang site ng ticket2me o di kaya’y i-download ang kanilang app at hanapin ang MPL-PH Season 10 Playoffs” event card sa Home Page nito at i-click ang ‘Buy Ticket’ button.
Pagkaraan nito ay maaari ng mamili ang fans ng petsa na gustong daluhan, at uri ng ticket na nais bilhin. Pipindutin lamang ang ‘Continue’ button makaaraang mamili, at mapupunta naman ang page sa payment portal.
Puwedeng magbayad gamit ang credit o debit card, o di kaya naman ay sa e-wallet platforms tulad ng GCash, GrabPay o Paypal. May opsyon din na magbayad over-the-counter sa 7/11, Cebuana Lhuiller, M Lhuiller, o sa ECPay.
Magkano ang ticket sa MPL PH S10 Playoffs?
Para sa Day 1 at Day 2 ng MPL PH S10 Playoffs, maaaring makakuha ng tickets na per match (gold o silver ticket) o per day basis (gold o silver pass). Nagkakahalaga ng PhP 350.00 ang isang gold ticket na may kasamang limited-edition MPL stickers, habang ang silver tickets naman ay makukuha sa halagang PhP 150.00.
Samantala, ang per-day Gold pass naman ay mabibili lamang sa halagang PhP 450.00 at PhP 150.00 naman ang Silver bersyon nito.
Matapos maproseso ang payment ay papadalhan ang bumili ng QR-coded tickets sa kanilang registered email na magagamit sa registration booth para makapasok sa events place.
Paalala din ng MPL PH, kailangang ipresenta ang proof of vaccination sa registration booth, at kailangan din na nakasuot lagi ng face masks base pa rin sa COVID-19 health and safety protocols. Hindi papayagan sa loob ng venue ang hindi pa nabakunahan, mga buntis, senior citizens, at mga batang may edad na 12-anyos pababa.
I-check out ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa latest sa MPL PH.
BASAHIN: OhMyV33NUS, BON CHAN inilahad ang kailangan at inaasahan ng team papunta sa MPL PH S10 playoffs