Si Terizla ay isang mabagsik na fighter sa Mobile Legends: Bang Bang na lumalakas kapag mas maraming damage ang kanyang natatanggap.

Ang kanyang passive skill na Body of Smith ay nagko-convert ng kanyang attack speed sa physical attack, at nagbibigay sa kanya ng damage reduction kapag nawawalan siya ng HP. Ito ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang maglabas ng mabagal ngunit malalakas na mga atake sa mga team fights.

Ginagamit niya ang kanyang ultimate skill na Penalty Zone upang pigilan ang mga kalaban sa isang lugar, at binabasag sila gamit ang Execution Strike at Revenge Strike upang magdulot ng napakalaking damage na may kasamang slow.

Ang kanyang tibay sa laban ay mas pinapalakas pa sa pamamagitan ng Bloodlust Axe at Festival of Blood talent mula sa Fighter emblem, na nagbibigay sa kanya ng malaking spell vamp, kung kaya’t napakahirap niyang mapapatay.

Ngunit sa kabila ng kanyang lakas, ang mabagal na attack speed at skill animation ni Terizla, pati na rin ang kawalan ng mobility spells, ay nagpapahirap sa kanya lalo na sa mga kalaban na may malakas na crowd control o burst damage.


Tatlong malalakas na hero counter para kay Terizla

Valir

Valir best hero counter kay Terizla
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Madali para kay Valir na mapigilan si Terizla gamit ang kanyang nag-aapoy na arsenal na nagbibigay ng knockback, slow, at stun debuffs. Bukod dito, mayroon siyang built-in na Purify sa pamamagitan ng kanyang Vengeance Flame, na nagbibigay din ng enhancement sa kanyang iba pang mga skills.

Kung si Terizla ay lumapit sa iyo gamit ang kanyang Penalty Zone, agad na gamitin ang Vengeance Flame at itulak siya pabalik gamit ang Searing Torrent. Upang ma-trigger ang stun effect ng Ashing, patuloy na saktan siya gamit ang Burst Fireball.

Tandaan na bumili ng Ice Queen Wand upang lalong mapabagal siya, at Necklace of Durance upang bawasan ang kanyang HP regeneration. Kumuha rin ng mga defensive items, tulad ng Immortality at Antique Cuirass, upang madagdagan ang iyong survivability sakaling ang iyong ultimate ay nasa cooldown.

Ang Flicker ay isang mahusay na battle spell upang ma-reposition ka at maipukol ang iyong mga skills sa kanya mula sa ligtas na distansya.


Karrie

Karie Lost Star
Credit: Moonton

Gamit ang true damage mula sa kanyang Lightwheel Mark na passive skill, kayang kalusin ni Karrie ang sinumang malalakas na hero, kabilang na si Terizla.

Kapag siya ay sumubok na habulin ka, gamitin ang Phantom Step upang lumikha ng distansya, pagkatapos ay pabagalin siya gamit ang Spinning Lightwheel. I-activate ang Speedy Lightwheel at paulit-ulit na saktan siya gamit ang basic attacks upang ma-trigger ang passive.

Laging panatilihing nasa ligtas na distansya kahit na umaatake, at iwasan ang kanyang mga atake gamit ang Phantom Step. Kung mahuli ka ng Penalty Zone, gamitin ang Flicker o Purify upang makatakas.

Matapos bumili ng mga pangunahing items para kay Karrie, bilhin ang Sea Halberd upang pahinain ang spell vamp ni Terizla.

Kung naghahanap ka ng isang malakas na magic burst damage dealer para sa role na ito, si Lunox ay isa rin sa mga maaaring pagpipilian.


Guinevere

Guinevere Psion of Tomorrow best hero counter kay Terizla
Credit: Moonton

Gusto mong makipagsabayan kay Terizla sa lane? Piliin si Guinevere na may matagal crowd control at high-damage combo.

Bago pumasok para sa pagsalakay, siguraduhing makaipon ng Super Magic upang mapalakas ang susunod na basic attack. Magtago sa bush at maghintay sa tamang sandali upang ilabas ang Spatial Migration.

Kapag nahulog na siya sa ere gamit ang Spatial Migration, sundan ito ng enhanced na basic attack, kasunod ang Violet Requiem upang magdulot ng malaking damage at panatilihing kontrolado si Terizla.

Gamitin ang Energy Wave upang mapabagal siya, at pagkatapos ay tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng isa pang enhanced na basic attack.

Piliin ang Execute bilang battle spell at gamitin ito bilang iyong last resort kung sakaling mabuhay pa siya matapos ang iyong unang combo. Bumili ng Necklace of Durance o Dominance Ice upang mapahina ang kanyang HP regen.

Isang mahusay na alternatibo dito ay si Freya kung mas gusto mo ng physical damage dealer.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.