Muling magbabakbakan ang 16 na pinakamahuhusay na Mobile Legends teams sa mundo sa darating na M4 World Championship na gaganapin sa Enero sa susunod na taon. Paglalabanan ng mga lalahok na koponan ang karangalan para tawaging pinakamagaling na team sa buong mundo katuwang ng pinakamalaking bahagi ng $800,000 (PhP 48 Million) total prize pool.
Nauna na ng makalawit ng Burn x Flash ni John “Coach Zico” Dizon ang slot sa pinakamalaking MLBB event sa pagbubukas ng 2023, matapos makuha ang kampeonato sa MPL KH 2022 Autumn Split. Makakatuwang ng team ni Coach Zico ang Incendio Supremacy na nanalo naman kamakailan sa Turkish Championship 2022.
Aantabayanan pa kung sino ang magiging kinatawan ng dalawa sa pinakamalalakas na MPL regions sa mundo na MPL PH at MPL ID na pagugulungin ang kani-kanilang playoffs ngayong Oktubre.
Hindi rin magpapahuli sa M4 World Championship ang kakatawan sa MPL ng Singapore, Malaysia, Brazil, Latin America at North America.
Gayundin ang pag-aabang sa mga magiging representante ng mga bansang Laos, Thailand, Vietnam at Myanmar na nagbabalik sa international competitive play.
Teams na sasali sa M4 World Championship
Region | Qualification | Team |
Indonesia | MPL ID S10 Champion | – |
Indonesia | MPL ID S10 Runner-up | – |
Philippines | MPL PH S10 Champion | – |
Philippines | MPL PH S10 Runner-up | – |
Malaysia | MPL MY S10 Champion | – |
Malaysia | MPL MY S10 Runner-up | – |
Singapore | MPL SG S4 Champion | – |
Cambodia | MPL KH Champion | Burn x Flash |
Middle East | MPL MENA Champion | – |
Myanmar | Myanmar Qualifier Champion | – |
Turkey | Turkish Championship | Incendio Supremacy |
North America | NACT Fall 2022 Champion | – |
Latin America (LATAM) | MLSL S1 Champion | – |
Latin America (LATAM) | MLSL S1 Runner-up | – |
Brazil | MPL BR S3 Champion | – |
Laos, Thailand, at Vietnam | Qualifier | – |
Gaganapin ang M4 World Championship sa Indonesia at magsisimula sa unang araw ng Enero sa 2023.
Manatiling nakatutok sa pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Petsa ng MPL PH S10 Playoffs inilabas na, gaganapin sa mas malaking venue