Nakapangwalis nanaman ang Indonesia sa pangunguna ng EXP laner nilang si Rizqi “Saykots” Damank sa gumugulong na Mobile Legends: Bang Bang tournament ng International Esports Federation World Esports Championship 2022 (IESF WEC 2022).

Matapos ang tagumpay nila kontra SIBOL, mga miyembro naman ng S11 Gaming mula sa Argentina ang pinangibabawan ng mga miyembro ng EVOS Esports sa gumugulong na turneo. Nagsanib-puwersa ang dalawang manlalarong na-promote sa EVOS Legends mula EVOS Icon para maka-abante ang kinatawan ng host country sa upper bracket final ng IESF WEC 2022.



Yu Zhong ni Saykots muling bumida kontra Argentina sa IESF WEC 2022

Saykots, Indonesia pinabagsak ang Argentina sa IESF WEC 2022 MLBB
Credit: ONE Esports

‘Di umubra sa mga miyembro ng EVOS Esports ang Argentina, na binubuo ng mga manlalaro ng S11 Gaming, isa sa mga koponang babandera sa paparating na M4 World Championship sa susunod na taon.

Sa unang mapa ng serye, bumida ang Fanny ni Darrel “Tazz DD” Wijaya para bumira ng walong kills at anim na assists nang hindi namamatay. Nagpahabol pa ito ng Triple Kill bago tuluyang mapaputok ng kanyang mga kakampi ang base ng kalaban matapos lang ang 13 minutong bakbakan.

Saykots, Indonesia pinabagsak ang Argentina sa IESF WEC 2022 MLBB
Credit: Garudaku ESI

Para maiwasan sana ang nagbabantang pangwawalis ng Indonesia, inilabas ng Argentina ang signature Hayabusa pick ng kanilang jungler na si Diego “Jotun” Balog. Sinamahan nila ito ng Phoveus ni Alexander “Papadog” Llanos para kahit papano’y may sagot sila sa Wanwan ni Jabran “Branz” Wiloko.

Sa kabila nito, nangibabaw pa rin ang husay ng Indonesia pagdating sa macro. Malaki ang ginampanang papel ng Yu Zhong ni Saykots para magulo ang puwestuhan ng Argentina sa mga team fight para sa objective. Sa kahabaan ng 11 minutong tagumpay, nakapagtala ang naturang EXP laner ng limang kills at apat na assists nang hindi namamatay.

Saykots, Indonesia pinabagsak ang Argentina sa IESF WEC 2022 MLBB
Credit: Garudaku ESI

Susunod na kakalabanin ng Indonesia ang pambato ng Cambodia na binubuo ng mga miyembro mula sa Impunity KH. Ang mananalo sa naturang best-of-three serye ay makaka-abante sa grand finals. Samantala, haharapin naman ng Argentina ang SIBOL.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: IESF WEC 2022 MLBB: Schedule, resulta, mga kalahok, at saan mapapanood