May malaking misyon ang EVOS Legends papasok sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 11 (MPL ID S11).
Matapos kasi ang kanilang kabiguan na makapasok sa playoffs noong nakaraang season, nais nilang bumawi at mabansagan bilang isa sa inaabangang koponan.
Bagamat hindi na naging katulad ng dati ang mga nakamit na resulta ng EVOS Legends simula noong lumisan sina Gustian “REKT” at Ihsan “Luminaire” Kusudana na tumuldok sa WORLD era, kumpiyansa pa rin si Darrel “Tazz” Wijaya sa papasok na season.
- Gamelab, ZOL Esports pangungunahan ang 10 teams na kalahok sa MDL PH Season 1
- Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 11
Ang 3 dahilan ni Tazz kung bakit magkakampeon ang EVOS Legends MPL ID S11
Kung tutuusin, nagsimula na ang pagbawi ng EVOS Legends. Sila ang sumelyo ng gintong medalya mula sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation at kasama rin sila sa player pool ng national team ng Indonesia para sa ika-32 Southeast Asian Games.
Kung meron mang isang player ang nangingibabaw para sa koponan, ito ay ang kanilang jungler na si Tazz. Nagawa niyang ungusan sina Arthur “Sutsujin” Sunarkho at Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin para maging parte ng main roster.
Sa isang eksklusibong interview ng ONE Esports, inilista ni Tazz ang tatlong dahilan kung bakit kayang pangibabawan ng EVOS Legends ang papasok na season ng MPL ID.
“Pertama karena saya sudah memberikan dua sampai tiga kali effort yang lebih besar untuk MPL ID S11,” saad niya.
(Una, dahil doble hanggang triple ang binigay kong effort para sa MPL ID S11)
“Kedua kami sudah jauh lebih mempersiapkan untuk menggunakan device yang dipakai nanti. Dan terakhir kepercayaan diri kami sudah jauh lebih besar ketimbang musim lalu,” dagdag niya.
(Pangalawa, mas handa na kami para sa device na gagamitin. At huli, mas kumpiyansa na kami kumpara noong nakaraang season.)
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: 3MarTzy at Rafflesia bibida sa MDL ID team na Pendekar Esports