Kamakailan lamang ay inulan ng pagbati para kay Benedict “Bennyqt” Gonzales matapos niyang i-post sa kaniyang social media ang mga larawan ng bagong-silang niyang anak. Mas naaliw ang fans sa katuwang na caption ng ECHO Gold laner dito kung saan inilahad niya ang ipinangalan sa bata.

“Hi Wanwan dito ka na mismo manunuod mga games ni daddy hindi na sa tyan ni mommy. Wala ka pang 24hrs dito pero sobrang LOVE NA LOVE NA LOVE KITA. SUPER CUTE MO….. I LOVE YOU!” sulat ni Bennyqt sa naturang post.

Ngayong bago nang ama, inilahad ng pro na mas motivated siya ngayon sa paglalaro at kasalukuyang binabalanse ang oras sa karera at pamilya.


Bennyqt matapos maging bagong ama: ‘Mas motivated po ako ng sobra sobra’

Credit: MPL Philippines

Sa post-match interview matapos itumba ang defending champions Blacklist International, inilahad ni Bennyqt kung ano ang hitsura ng kaniyang iskedyul sa gitna ng pagiging bagong tatay.

Paglalahad ng pro, patuloy pa rin daw ang paglalaan niya ng walong oras sa kaniyang araw sa ensayo kasama ang ECHO teammates, ngunit sa pagdating ng bagong responsibilidad ay kinakailangan niya ng kaunting adjustment sa kaniyang oras.

Kuwento ni Bennyqt kay Mara Aquino, “Siguro po simula po noong naging tatay na po ako, ang nagbago po is yung after the practice po usually everyday naman po, uhm 8 hours nasa bootcamp pa din po ako nag-prapractice. And after po nun, thankful po ako sa management namen kay Boss Tic, Coach Treb pati kay Ma’am Mich na pinapayagan nila ako mag-uwian para umuwi ako sa family ko”

Credit: MPL Philippines

“Then doon ko po iispend yung time. Doon ko po yung binabalance yung pagiging gold laner at pagiging daddy,” pagtutuloy ng M4 World Championship MVP.

Bukod dito, inamin din niya na mas determinado daw siyang maglaro ngayong may pamilya na siya. Tugon niya sa isa pang malaking pagbabago sa buhay niya, “Mas motivated po ako ng sobra sobra.”

Para sa iba pang content ukol sa MPL PH, sundan lamang ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Ang payo nina Coach Pakbet at Kelra kay Hito matapos ang debut nito sa Team HAQ