Palapit nang palapit ang pagdating ng M4 World Championship ngayong tapos na ang drawing round para sa Group Stage.

Ang M4 World Championship ay gaganapin sa Indonesia sa January 2023. Ang lahat nang impormasyon at pagbabagong magaganap ay iaanunsyo sa mga susunod na linggo. Gayunpaman, ang hype at excitement ay nangyayari na sa isip ng bawat fan.

Dahil sa dmi nang mahuhusay na Mobile Legends: Bang Bang teams mula sa iba’t ibang sulok ng mundo, hinding hindi mo dapat palampasin ang tournament na ito. Talagang magiging mas matindi ang mga laban na mapapanood natin mula sa mga world-class na MLBB teams.

Umaasa ang Indonesia sa kanilang home team na RRQ Hoshi at ONIC Olympus na makabingwit ng titulo, lalo pa’t tatlong taon na mula nung manalo sila sa M1 World Championship.

ONIC Esports MPL ID S10
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Sa kabilang banda, meron ding mga inaasahan ang Moonton sa magaganap na M4 World Championship sa Indonesia. Ano nga ba ang mga inaasahan nila mula sa world0class tournament na ito?


Umaasa ang Moonton na magiging pinakamalaking offline event ang M4 World Championship sa pagpasok ng 2023

M4 World Championship
Credit: Mobile Legends: Bang Bang Official

Sa press conference ng Moonton kasama ang kanilang mga media partners sa Ligagame Arena, Daan Mogot Are, West Jakarta, nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na tanungin sila tungkol sa mga bagay na inaasahan nila sa paparating na tournament.

Ayon sa Head of Marketing & Business Development ng Moonton na si Martinu Manurung, umaasa sila na makakapahatid ang M4 World Championship ng healthy at positive na entertainment sa buong MLBB at esports community.

“Our expectations from some data about viewership that we have obtained and then offline crowds (events) that have been held, the most important thing is how we can provide healthy and positive entertainment for the entire Mobile Legends and esports community,” sabi ni Martinus.

JIEXPO MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Bilang isang world-class competition, sa M4 nakatutok ang mata ng maraming fans sa buong mundo. Lalo na sa Indonesia, kung saan inaasahan ang M4 na maging pinakamalaking offline event na magbubukas sa 2023.

M4 World Championship Blacklist international
Credit: Moonton

“Not only in Indonesia but also in the world. Our hope is to hold this M4 event offline well through various rules and regulations. This will be our biggest offline event after the pandemic, we want to create a large crowd,” pagtatapos niya.

Maaalalang buhay na buhay ang MPL ID S10 playoffs na ginanap sa JIEXPO Kemayoran noong October, sana ay mas malaking pasabog hype at excitement ang maganap sa M4 World Championship mula sa lahat nang nagmamahal sa esports.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.