Napasilip kamakailan ni Michael “MP the KING” Endino ang kakayahan ng Tank Lancelot matapos talunin ng Smart Omega Neos ang ECHO Proud sa Mobile Legends: Bang Bang Development League Philippines Season 1 (MDL PH Season 1).
Kaya nang Smart Omega naman ang sumalang sa ikalawang linggo ng MLBB Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11), kinumpirma naman ni Dean “Raizen” Sumangui na gumagana nga ito.
Kontra bagong RSG Slate Philippines inilabas ni Coach Jomie “P4kbet” Abalos ang Tank Lancelot. Nakipagsabayan si Raizen sa Fredrinn ni John Paul “H2wo” Salonga pagdating sa retrihan, salamat sa kakunatang naibigay ng kanyang build at extra damage sa mga neutral objectives mula sa Demon Slayer talent ng Jungle emblem.
Dahil dito, nawalis ng Smart Omega ang RSG Slate Philippines para makuha ang unang panalo ngayong season at maputol ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo.
- Ang 3 best counters kay Lancelot sa Mobile Legends
- Bakit naging epektibo ang Lancelot tank build ni MP the King sa MDL PH S1? Heto ang mga dahilan
Bakit gumagana ang Tank Lancelot?
Sa kabila ng muling pag-usbong ng mga assassin Assassin sa meta ay hindi pa rin tuluyang nae-etsa-puwera ang mga Tank Jungle. ‘Di pa rin kasi matatawaran ang kakayahan ng mga ito na kumuha ng objective, na malaking bagay sa pagdikta ng resulta ng laban.
Bagamat hindi ganon kalaki ang damage ng isang Tank Lancelot, hindi pa rin ito basta-basta. ‘Di hamak na mas makatatagal ito sa team fight dahil bukod nga sa kakunatang naibibigay ng mga item ay kayang-kaya rin nito maglabas-masok sa bakbakan salamat sa mga dash nito.
‘Di rin matatawaran ang second skill nitong Thorned Rose at ultimate na Phantom Execution pagdating sa pagkuha ng objective. Kadalasan kasi itong ipinangko-combo kasama ang Retribution para tiyak na makuha ang Turtle o Lord.
Tank Lancelot build ni Raizen ng Smart Omega
- Tough Boots
- Molten Essence (na pwedeng i-upgrade sa Cursed Helmet
- Guardian Helmet
- Radiant Armor
- Antique Cuirass
- Azure Blade (na pwedeng i-upgrade sa Endless Battle o Thunder Belt)
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.