Matapos ang nakakabilib na performance sa M4 World Championship, nasemento na ni Tristan “Yawi” Cabrera ng ECHO ang kanyang pangalan bilang isa sa mga pinakamahusay na Chou users sa mundo.
Sa kakaibang husay at kunat ng fighter hero, nagawa ni Yawi na alalayan ang kanyang team upang maisakatuparan ang mga objectives at mangibabaw sa mga madudugong team fights.
Dahil sa laki ng naging ambag ng kanyang main hero sa kanilang kampanya sa world championship, napagkasuduan ng lahat nang mga Orcas na ibigay sa Kung-Fu Boy ang kanilang M4 championship skin. Ito ang unang beses na magkakaroon ng exclusive championship skin ang isang fighter hero.
Pero ano nga ba ang build ng tank Chou ni Yawi?
Tank Chou build na ginagamit ni Yawi
Sa match ng ECHO laban sa NXP EVOS sa ikatlong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11), ginamit ni Yawi ang kanyang tank Chou sa dalawang games ng series na tinapos nila sa score na 2-0.
Tinanghal na MVP ang star roamer ng Orcas sa ikalawang game kung saan meron siyang 1/0/5 KDA at 60% kill participation.
Dahil dito, hiniling ng ONE Esports kay Yawi na ibahagi ang kanyang Chou build, at malugod naman itong pinaunlakan ng pro player.
Ipinaliwanag niya na mag-iiba ang build depende sa kung anong gamit na hero ng kalaban.
“Tough Boots po kapag may crowd control yung kalaban,” sabi ng roamer. “Pero ‘pag wala tapos puro physical, Warrior.”
“Dominance, Antique, Athena’s or Radiant depende sa mage ng kalaban,” patuloy niya. “Tapos Immortality, yung last item po siguro Guardian Helmet.”
Para naman sa emblem at talent, gumagamit siya ng Tank emblem na may Concussive Blast.
Yawi tank Chou build
- Tough Boots / Warrior Boots
- Dominance Ice
- Antique Cuirass
- Athena’s Shield / Radiant Armor
- Immortality
- Guardian Helmet
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.