Nang ikansela ng Moonton ang pagpapakilala ng Talent System sa Mobile Legends: Bang Bang sa publiko ilang linggo bago ito ilabas, marami ang naiwang nagtataka kung naudlot lamang ba ito o tinanggal na nang tuluyan.

Kung tutuusin, ang bagong talents ay isang kumpletong pagbabago sa emblem system na nasa laro na mula noong ilabas ito. Parte sana ito ng Project NEXT, isang inisyatibo na sinimulan ng Moonton noong 2020 upang i-update ang mga lumang heroes at gameplay.

Ayon kay Moonton chief designer Skyhook, nakatanggap sila ng negatibong feedback mula sa beta testers patungkol sa kumplikadong disenyo nito at ‘di nila naresolba ang mga isyu sa tamang oras.

Para bigyang-linaw ang usapin, kinausap ng ONE Esports ang tagapagsalita ng Moonton patungkol sa kung pwede pa nating asahan na makita ang Talent System sa hinaharap.


Hindi pa patay ang Talent System, sabi ng Moonton rep

Talent System
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

“The system is currently undergoing review, and will be revisited,” wika ng Moonton spokesperson.

Dagdag pa sa negatibong feedback, sinabi niya na isinaalang-alang nila ang magiging epekto nito sa professional play. Ang bagong sistema ay mare-release sana sa kalagitnaan ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) regular season at bago ang M4 World Championship sa susunod na taon, na maaaring magpabago sa kung paano nilalaro ang game.

Bukod sa bagong talents, ang mga pagbabago ay hahayaan sana ang mga manlalaro na baguhi nang kanilang loadout matapos mag-lock ng hero o pumili ng talents base sa mga rekomendasyon o builds ng pro players, katulad sa umiiral na pro item build system na hinahayaan ang mga players na kopyahin ang build ng top players.

Gayunpaman, walang ibinigay na eksaktong timeframe kung kailan nila ire-revisit ang Talent System.

Samantala, ang Gusion at Lesley rework maging ang magic sentry at turret updates ngayong buwan ay magpapatuloy.



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MLBB news, updates at guides.


Ito’y pagsasalin ng akda ni Jules Elona ng ONE Esports.