Ang bagong collector skin na Supernal Tempest Vale ay ang perfect mix ng Oriental at Middle Eastern influences na pinagsama.

At ito pa, ang kulay ng kanyang buhok ay – tama ang hula mo – puti gaya ng kay Gojo Satoru. At M-World Ling. At Fulgent Punch Paquito. Basta, gets moi na ‘yun.

Ang panlimang skin sa collection ni Vale na siguro ang may pinakamagandang theme sa lahat. Sa kanyang original skin, puti ang tayu-tayong buhok ni Vale, makikita rin dito ang kanyang kayumangging balat. Sa collector skin na ito ay pinanatili ang ayos ng kanyang buhok habang nagdagdag ng pagiging elegante at misteryoso sa Windtalker.

Preview ng Supernal Tempest Vale collector skin at skill effects nito

Supernal Tempest Vale Collector Skin preview
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang kasuotan ng Supernal Tempest Vale ay hawig ng isang hanfu, isang tradisyunal na Chinese clothing, na may kulay na magenta, gold, at violet at may cream at black, na may kasamang printed Japanese motifs.

Umaalon ang tela ng kanyang damit na bumubuo ng mababang V-neck sa kanyang dibdib kung saan nakapwesto ang kanyang gintong kwintas. Natatakpan din nito ng bahagya ang kanyang boho pants na nagdadagdag naman ng Middle Eastern flavor sa kanyang kasuotan.

Isang kalmado at maluwalhating aura ang pumapalibot sa wind mage, habang umiikot sa kanyang paligid ang mga gintong ribbons na nagmumula sa kanyang baywang, na bumubuo sa kanyang maharlikang datingan.

Supernal Tempest Vale Collector Skin WindBlade Scatter
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Kapag nag-cast ka ng kanyang first skill na Wind Blade, dalawang malaking nilalang ang lalabas: ang Bai Ze, isang isang mythical beast na mukhang baka, at ang Fuzhu, isang usa na may sungay, dalawa sa mga pinakaprominenteng mythical figures sa Chinese folklore.

Ang mga creatures na ito ay tulad ng mga adepti sa Genshin Impact, mga mythical beasts na nilikha ng Geo god upang protektahan ang rehiyon ng Liyue na hinango rin mula sa Chinese culture.

Supernal Tempest Vale Collector Skin Windblow
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Kapag na-cast ang Windblow, depende sa iyong upgrades, ang ipoipo ay magiging kulay orange o blue, na kumakatawan sa dalawang nilalang.

Sa lahat nang kanyang skill effects, ang kanyang ultimate, ang Windstorm, ang nakakabilib. Kung pipiliin mong i-upgrade ang damage nito, ang Windstorm: Death ay isa-summon ang Bai Ze sa isang sumasabog at umiikot na apoy na napakaastig tignan.

Supernal Tempest Vale Collector Skin Windstorm Death
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Kung in-upgrade mo naman ang WWindstorm para magdagdag ng crowd control sa iyong kit, ang Gather ay magsa-summon ng dambuhalang asul na usa na nakatayo sa ibabaw ni Vale.

Supernal Tempest Vale Collector Skin WindStorm Gather
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang Supernal Tempest Vale ay magiging available sa May 7.



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.