Nagpasok na ang Suhaz Esports ng international players at coach para sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia Season 10 (MPL MY Season 10), matapos makuha ng Team SMG ang dating ONIC PH midlaner na si Jaylord “Hate” Gonzales.
Inansunyo ito ng Malaysian team na sa isang televised news segment na pumirma na sina Rico “V1NSMOKE” at Daffa “Dwitama “Oxygen” Siregar ng RRQ Sena, at ang head coach ng Z4 Esports na si Theo “Raizen” Eusebio.
Ito ang unang beses na kumuha ang isang Malaysian MPL squad ng coach mula sa Pilipinas.
Kasalukuyan na lumalahok ang RRQ Sena sa Mobile Legends: Bang Bang Development League Indonesia (MPL ID), at sila ang sister team ng RRQ Hoshi. Ang Z4 Esports naman ay isang amateur team mula sa Pilipinas, at pinag-mamayari ito ng gold laner ng Smart Omega na si Billy “Z4pnu” Alfonso.
Nag-dagdag ng dalawang RRQ Sena players at isang Z4 Esports coach ang Suhaz Esports para sa MPL MY Season 10
Abot tenga ang ngiti ng team manager ng Malaysian team na si Mohd Nur Firdaus Mohd Konsul sa anunsyo.
“If we observed the Mobile Legends Southeast Asia Cup, teams from the Philippines, Indonesia, and Malaysia play differently. So, we are bringing these guys in to [incorporate] their own countries’ playstyles,” sinabi niya sa media, ayon sa IGN SEA.
Pinangunahan ni Raizen ang Z4 Esports sa iilang mga championships sa mga amateur tournaments, tulad ng Juicy Legend Tournament 2022 Q2, Tambay League Summer Cup, at MLBB Supreme League.
Huling naglaro si V1NSMOKE para sa RRQ Sena noong MPL ID Season 5. Bagama’t maaga siyang umalis matapos matalo sa Rebellion Sinao sa unang round ng playodds, pinuri siya bilang best roamer ng season.
Malakas ang naging performance ng Malaysian team na ‘to sa regular season noong Season 9 at nakatapos sa second place sa Group A nang may 5-8 record. Noong playoffs ay nanalo sila laban sa RED Esports sa upper bracket semifinal, bago malaglag sa Todak sa upper bracket final.
Na-eliminate sila ng Orange Esports sa lower bracket final.
MPL MY Season 10 Suhaz Esports roster
- Rico “V1NSMOKE”
- Daffa Dwitama “Oxygen” Siregar
- Muhammad Sirajuddin “Abumon” Mohd Rezali
- Muhammad “SitiNurSana” Danish
- Ameer Razin “Razin” Ahmad Fauzey
- Ummar Mukhriz Md “IKYYMONNN” Nisam
- Mohamed Elham Daneal “Amskii” Ishamudin
Mag-uumpisa ang MPL Malaysia Season 10 sa August 5.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.