Karapat-dapat pa ring ituring si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna bilang pinakahenyong manlalaro sa buong mundo pagdating sa Mobile Legends: Bang Bang. Bagamat hindi siya kasingbata ng ibang players, nagpakita pa rin ang Blacklist International captain-roamer/support ng nakakamanghang na laro sa MPL Philippines Season 10.

Matapos magpahinga noong Season 9, nagbalik sina OhMyV33nus at kanyang katambal na si Danerie James “Wise” Del Rosario sa pamosong “V33Wise” duo ngayong season. Pinalakas muli nila ang Blacklist International na nagtapos sa tuktok ng MPL PH S10 regular season.

Credit: MPL Philippines

Kung titignan, wala masyadong nagbago sa laro ni OhMyV33nus. Bagamat tila masasabi na maliit ang kanyang hero pool, kabisadong-kabisado at sulit na sulit naman ang paggamit niya sa kanyang mga heroes.

Estes, Lolita, Rafaela, Mathilda at Diggie pa rin ang limang main heroes ni V33. Gamit ang mga hero na ito, siya ang nagsisilbing utak sa likod ng stratehiya ng Blacklist na kung tawagin ay UBE (ultimate bonding experience). Dahil sa kanyang malupit na performance, siya ang hinirang na Regular Season MVP ng MPL PH S10.


Ang pinapatunayan ng stas ni OhMyV33nus sa MPL PH S10

OhMyV33nus MPL PH S10 regular season MVP
Credit: MPL Philippines

Kitang-kita sa mga datos ang malaking epekto ni OhMyV33nus sa Blacklist International ngayong season. Base sa statistics mula sa MPL PH, nangunguna siya sa tatlong kategorya.

Una na rito ay ang manlalarong may pinakamaraming assists na pinangibabawan niya matapos magtala ng 327 assists sa 14 serye at 35 games na nilaro ng Agents. Siyempre, siya rin ang bumida sa average assist per game kung saan naglista siya ng 9.62.

Nakaugat din sa dalawang naunang stats ang pangunguna niya sa kill participation na umabot sa nakakamanghang 80%. Estes, Diggie at Lolita ang kanyang mga signature picks sa nagdaang regular season.

Credit: MPL Philippines

Patunay ang mga datos na ito sa kung gaano kagaling na shotcaller si OhMyV33nus. Pinapakita nito ang malawak niyang kaalaman pagdating sa kung kailan ang tamang sandali para sumabak sa clash o kumuha ng pickoff ang kanyang koponan.

Bagamat nakuha na ni OhMyV33nus ang halos lahat ng prestihiyosong tropeo sa MLBB pro scene, nanatili siya uhaw sa tagumpay. Siguradong hindi lang mga kapwa Pinoy pros ang humahanga at kinakatakutan siyang makatapat kasama ang Blacklist, kundi pati mga Indonesian players na maaaring makatagpo siya sa M4 World Championship kung sakaling makapasok sila upang depensahan ang kanilang korona.

Para sa MLBB news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.