Bago gumulong ang MPL Indonesia Season 10, at ang MDL Indonesia Season 6 ay mabibilang ang taong nakakakilala sa pangalan ni Arthur “Sutsujin” Sunarkho. Hindi masisi ang mga miron kung bakit ganito dahil bukod sa banyaga ang IGN ng player ay walang kahit anong impormasyon tungkol sa kaniya.

Nagbago ang lahat ng ito ng ipamalas niya ang kaniyang bangis sa unang dalawang linggo ng MDL. Mabilis na napansin ito ng EVOS Legends na kaagad pinaakyat sa main roster ang batang jungler katuwang ng kapwa MDL star na si DreamS.

Credit: EVOS Esports

Hindi binigo ni Sutsujin ang promotion niya papunta sa MPL dahil kaharap ang mga beterano sa liga ay ipinakita niya ang disiplinado niyang galaw na nagdala sa kaniyang White Tigers sa tugatog ng first half ng regular season standings.


Pagsisimula ni EVOS Sutsujin sa MLBBibig sabihin ng kaniyang IGN at iniidolong players

Sa isang livestream kasama si Coach Zeys, inimbitahan niya si Sutsujin para sa maikling question and answer para sa mga manonood.

Inamin ng 18-anyos na nahilig muna siya sa paglalaro ng Dota 2 simula pa noong 2016, bago tumalon sa MLBB. Sa kasalukuyan, dalawang taon pa lamang daw siya naglalaro ng nasabing MOBA.

“Because I can play at school. I’ve wanted to be a pro player since before I started playing ML but I wasn’t that good at that time,” aniya.

Credit: ONE Esports

Tungkol naman sa kaniyang IGN, simple lamang daw ang rason kung bakit ganito ang pinili niya. Saad ng pro, binago lang daw niya ng kaunti ang nickname ng kaniyang kuya na “Satsujin”, na sa wikang hapon ay nangangahulungang “to kill”, papunta sa “Sutsujin”.

Isa pa sa mga usaping nakapalibot sa batang pro ay ang kaniyang role. Batid na ng lahat ang kaniyang gilas sa jungle para sa EVOS ngunit hindi lamang pala ito ang kaya niyang laruin.

Pag-aamin ni Sutsujin, madalas daw maglaro sa gold lane bago sumabak para sa White Tigers. Tungkol naman sa paborito niyang role, midlane daw ang gusto niyang pinupunan. Kung pagbabasihan ang sinabe niya, marahil ay maaasahan ang mas madalas na switch role nil ani Tazz sa team.

Mababalikan na noong nagapi sila ng Alter Ego, si Tazz ang gumanap bilang jungler ng subukan ng EVOS na mag-Fanny. Ito ang rason kung bakit si Sutsujin ang tumao noon sa midlane.

Gayunpaman, naaliw ang fans ng malaman na hindi mula sa roles na pinupunan niya ang nilalaro ng paborito niyang player. “OhMyV33NUS, the best player, good at playing support.”

Credit: MPL Philippines

Bukod sa dekoradong support player ng Blacklist International, tinitingala din daw niya si Vaanstrong na ngayon ay nasa EVOS ICON at ang EVOS Legends ex-captain na si REKT.


Sutsujin, EVOS Legends numero uno sa first half ng MPL ID S10 standings

Si Sutsujin ang naging pag-asa ng koponan sa kabila ng pagdududa ng EVOS Fams ngayong season. Mistulang gamay na agad ng batang pro ang laruan MPL dahil walang pagkakataon na saliwa ang kaniyang galaw sa Land of Dawn.

Credit: ONE Esports

Bilang kapalit ni Ferxiic na isa sa mga pinakamahusay na mechanical players, may rason kung bakit ang 18-anyos ang pinili ni Zeys para sa role. Hindi mang kasing agresibo ni Ferxiic, mahusay sa macro at pagkuha ng objectives ang pro na mas pinagilas pa ng dekalibreng game sense.

Ito rin ang rason kung bakit swak sa kaniya ang heroes tulad ng Akai, Julian at iba pang assassin heroes. Mataas ang versatility ni Sutsujin kung kaya’t swak siya sa kahit anong gameplay na nais isalang ng EVOS Legends.

Sa unang bahagi ng season, nagtala ang White Tigers ng 5-2 kartada. Sa mga seryeng kinalahukan ni Sutsujin, isang beses pa lamang siya nagapi at iyon ay kaharap ang Alter Ego.

Credit: EVOS Esports

Sa individual play, nangunguna si Sutsujin sa MVP points kung saan mayroon na siyang 35 points, malayo sa second placer na si Alberttt ng RRQ Hoshi na mayroon namang 25 points.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: FACT: Si Kairi ang best Jungler sa unang bahagi ng MPL ID S10