Sa tuwing nabibigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro ng Blacklist International na pasalamatan ang mga sumusuporta sa kanila, may isang pangalan ang hindi nawawala sa listahan bukod pa kina Boss A (Alodia Gosiengfiao) at Boss Tryke (Irymarc Guiterrez): Si Boss Rada.

Isa si Elrasec Ocampo, na mas kilala bilang Boss Rada, sa mga taong bumubuo sa tanyag na esports organization. Bilang General Manager, kaisa siya sa mga indibidwal na bagamat hindi nalilimliman ng ilaw ng entablado ay walang humpay na nagtatrabaho para tiyaking pagkapanalo na lang ang gagawin ng kanilang mga manlalaro.

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, nakwento ni Boss Rada ang kanyang naging paglalakbay papunta sa Blacklist International.



Paano napunta si Boss Rada sa Blacklist International

Kilalanin si Boss Rada: Ang taong parating pinasasalamatan ng Blacklist International
Credit: Blacklist International

“I started with Tier One, 2019,” pagbabalik-tanaw ni Rada. “Pinaka-start nooin is nag-comment ako sa YouTube ni Tryke about [a] particular way para mainitindihan ng mga tao kung ano ‘yung gusto mong directives, parang ganun.”

Kalaunan, nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa CEO ng naturang kumpanya. Kahit pa sugal kung maituturing ang paglipat niya mula sa BPO industry papunta sa esports, sinuong niya pa rin siya sa aniya’y ‘leap of faith’.

Ang pagkakakilala ni Boss Rada sa mga napagtagumpayan ng Tier One sa larangan ng esports, at hindi masyado sa kung paano nito binago ang entertainment industry, ang siyang naging dahilan kung bakit sa Team Amplfy, ang naunang Dota 2 division ng organisasyon, siya inilagay ni Tryke.

“Binato ako ni Tryke sa DOTA—sila BDz, Ryo, Abat, Karl, and Jeyo. then I put a system na kahit papano nag work but it’s too short,” kwento niya.

Kilalanin si Boss Rada: Ang taong parating pinasasalamatan ng Blacklist International
Credit: Rada Scars

Bagamat hindi maipagkakaila ang pamamayagpag ng esports noong kasagsagan ng pandemyang dulot ng COVID-19, hindi nasanto sa pagbabago ang Tier One at Blacklist International.

“From esports side napunta ako sa HR para magkaroon ng parang mga contingency plans siguro or help the company to survive during pandemic. And it turned out well, naging okay naman. Technically na survive ng Tier One yung pandemic era,” aniya.

Nagbukas ang pinto ng Blacklist International para kay Boss Rada nang umalis si Pao Bago, ang taong sa likod ng pagkakatatag ng koponan na ngayon ay Team Director na ng Fnatic Dota.

“December 2020, tinakeover ko na siya kasi si Pao Bago, umalis na. Pag takeover ko noon… naroon na sina OhMyV33nus, si Wise, OHEB ‘yung the rest of Blacklist, wala pa kasi si Hadji doon. So ayun na ‘yung start ng part na, ‘Ano ba si Boss Rada?’,” sambit niya.

Kilalanin si Boss Rada: Ang taong parating pinasasalamatan ng Blacklist International
Credit: ONE Esports

Ang pagpapatakbo sa Blacklist International ang naging tungkulin ni Boss Rada. Sa ilalim ng kanyang pangangalaga, ang koponan ay nakalikom ng tatlong kampeonato sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH), gintong medalya mula sa 31st Southeast Asian Games, at ang M3 World Championship title.

Sa paparating na Enero, nakatakda sila muling gumawa ng kasaysayan sa M4 World Championship bilang ang kauna-unahang koponang makakapagtala ng back-to-back championship title mula sa pinakamalaking MLBB tournament.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano tinutulungan ng SIBOL ang mga delegado ng bansa?