Isa sa mga patuloy na palaisipan para sa fans ng MPL Indonesia ang katauhan ng kapitan ng EVOS Legends. Pagkaraan ng pamumuno ni REKT sa koponan noon, hindi na naging klaro kung sino nga ba ang ulo ng pangkat ng White Tigers sa kaniyang paglisan mula sa team.
Sa nakalipas na MPL ID Season 10, pinaniwalaang si Clover ang humawak ng posisyon bilang lider ng pangkat. Ngayong wala na sa roster ang pro, muling naging misteryo kung sino ang mangunguna sa hanay.
Simula noong IESF, maraming nag-akala na si Saykots na ang magsusuot ng kapa bilang kapitan matapos niyang yakagin ang EVOS Legends sa kampeonato. Ngayong MPL ID Season 11, patuloy ang kalibreng play ng EXP laner na nagbigay-daan para makuha ng kaniyang pangkat ang 2 series wins sa unang linggo ng liga.
Bagamat maganda ang performance ng pro, si Bjorn “Coach Zeys” Ong, sinabing hindi si Saykots ang namumuno sa team.
Kung hindi si Saykots ang lider ng EVOS Legends, sino?
Hindi itinago ni Coach Zeys ang kaniyang pamamangha sa ipinakita ng EVOS Legendsa sa mga serye nito kontra Rebellion Zion at Alter Ego. Parehong winalis ng White Tigers ang dalawang katunggali para mangibabaw sa regular season standings.
Habang nag-iistream at nag-rereact sa mic check ng EVOS Legends kamakailan, inihayag ni Coach Zeys ang isang pirason ng impormasyon ukol sa katauhan ng kapitan ng team. Aniya, hindi daw ito si Saykots.
“Your captain is already Branz Tazz. Even the captain doesn’t know Tazz” tugon ni Zeys sa comms ni Tazz sa mic check kung saan sinabe niya na “Saykots, our captain is the boss.”
Walang kumpirmasyon kung si Branz nga ba talaga ang tunay na namumuno sa team, ngunit maraming sinyales na magtuturong kaya niya punan ang posteng ito.
Matatandaan na si Branz, katuwang ni DreamS ay mga beterano na ng liga kung ipaparis kina Saykots, Tazz at Hijume. Kaya naman, maaari niyang gamitin ang karanasan na ito para yakagin ang team.
Gayunpaman, hindi rin maaaring matanggal ang katotohanan na sa gold lane naglalagi si Branz at malaking hamon na maging shotcaller sa posisyong ito.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Ang mga sorpresang heroes na nagpakita sa Week 1 ng MPL ID Season 11