Ipinaliwanag ni coach Kristoffer Ed “BON CHAN” Ricaplaza kung paano na-invite ang SIBOL MLBB sa World Esports Championship 2022 (WEC 2022) ng International Esports Federation (IESF).
Matatandaang kinapos ang pamabato ng Pilipinas noon sa Asia Championship ng turneo matapos mawalis ng Myanmar. Dapat ay dadaan pa sana sa play-ins ang koponan para mapagtagumpayan ang isa sa tatlong slots na nakalaan para sa main event ng turneo.
Ngunit nang ilabas ang bracket ng turneo, nalamang directly invited na ang SIBOL MLBB sa IESF WEC 2022.
- May paalala si Coach BON CHAN sa nagsasabing hindi raw sineryoso ng Blacklist International ang MPLI 2022
- OHEB sa dapat asahan sa kaniya sa IESF WEC 2022: ‘Class S na, mas pinalakas’
Ipinaliwanag ni Coach BON CHAN paano na-invite ang SIBOL MLBB sa IESF WEC 2022
Hinimay ng dekoradong coach sa isang vlog na in-upload sa kanyang opisyal na YouTube channel ang naging desisyon ng organizers para sa MLBB event ng turneo.
“Papunta na sana tayong play-ins, paglipad natin doon, supposed to be dapat play-ins ang lalaruin natin para maka-secure ng isa sa tatlong slots,” kwento ni Coach BON CHAN. “Pero ang nangyari ang nag-entry lang country ay tatlo—’yun ang Philippines, Cambodia, and Vietnam.”
“Bakit pa magpe-play-ins eh tatlo na nga lang naman ‘yung nag-entry? So direct invite na ‘yung tatlo,” diin niya.
Binubuo ng walong bansa ang naturang MLBB event. Apat na imbitado—Cambodia, Vietnam, Pilipinas, at ang host country na Indonesia—at apat mula sa mga isinagawang qualifier—Malaysia (Asia Championship), Namibia (Africa Championship), Slovenia (European Championship), Argentina (PANAM Open).
Sasabak sa double-elimination bracket ang walong koponan. Sa naganap na draw, nakatakdang magharap sa unang round ng upper bracket ang Indonesia at SIBOL MLBB. Gaganapin ang kanilang best-of-three serye sa ika-apat ng Disyembre.
Samantala, idaraos naman ang kabuuan ng MLBB event sa IESF WEC 2022 simula ikatlo hanggang ika-11 ng Disyembre.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: IESF WEC 2022 MLBB: Schedule, resulta, mga kalahok, at saan mapapanood