Maagang napatid ang SIBOL MLBB sa kanilang kampanya sa IESF 14th World Esports Championship MLBB Final Stage matapos mabigo kontra Team Indonesia, 2-0 sa unang serye sa Day 2.


Yu Zhong ni Saykots bumida para itumba ang SIBOL MLBB

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Mistulang SIBOL MLBB na ang makakakuha ng game 1 sa inantabayanang upper bracket showdown nang mahawakan nila ang 5k gold lead sa loob ng 10 minutes. Ngunit hindi pinayagan ng Indonesia na makumpleto ng paboritong team ang inasam na first blood.

Pambihirang play ni Rizqi “Saykots” Damank sa kaniyang Yu Zhong ang ipinanggiba ng home team sa umangat na miyembro ng SIBOL sa ika-11 minuto kung saan natagpuan ng EXP laner ang backlines para makuha ang 3 for none trade at momentum para sa kaniyang hanay.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Hindi pa nagtapos dito ang henyo ni Saykots sa hero, sapagkat sa kanilang martsa sa ika-13 minuto sa bot lane ay napaurong niya ang mga Pinoy na sumubok na sumabay sa team fight. Ito ang nagbigay ng go signal para sumalaksak ang kaniyang EVOS Esports co-members para basagin ang base sa sumunod na dalawang minuto.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Sinubukang hanapin ng SIBOL MLBB ang sagot sa crowd control ng ID team sa pamamagitan ng cheese pick jungler Grock. Gayunpaman, hindi nito nagawang pigilan ang pamatay na kombinasyon ng Kaja, Yve, Yu Zhong, Akai at Lesley ng kalabang team.

Natagpuan ng mga Pinoy ang kanilang mga sarili na baon sa 7k gold deficit sa ika-10 minuto, at bagamat sumubok ang team na palagan ang mga katunggali sa likod ng Faramis ni Salic “Hadji” Imam, kulang ang kanilang kapangyarihan na mapigilan ang mga patagong dausdos ni Saykots.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Muli’t-muling pinanerbiyos ng kaniyang Yu Zhong ang backlines ng team na binubuo ng Blacklist International members, na epektibong nagbigay ng espasyo para makagawa ang kaniyang mga kakampi ng plays, partikular na si Rachmad “DreamS” Wahyudi na natagpuan ang Beatrix ni Kiel “OHEB” Soriano para sa huling highlight play ng serye.

Natapos ang ikalawang mapa sa loob lamang ng halos 12-minuto, katuwang pa ng 12-1 kill score pabor sa mga taga-Indonesia.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Sa panalo, aangat ang home team sa upper bracket at makakaharap ang Argentina bukas. Samantala, susubukan namang ipagpatuloy ng SIBOL MLBB ang kanilang kampanya sa lower bracket ng torneo.

Sundan ang pinakahulong balita tungkol sa 14th WEC sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: IESF 14th WEC MLBB Final Stage Day 1 Recap: Cambodia, Malaysia at Argentina aangat sa 2nd round