Unang naitatag ang SIBOL noong 2019 para likumin ang pinakamalalakas na Filipino esports athletes na magsisilbi bilang kinatawan ng bansa para sa esports category ng Southeast Asian Games (SEA Games).
Simula noon, kaliwa’t-kanang parangal na ang naiuwi ng koponan mula sa iba’t-ibang esports titles gaya na lang ng Dota 2, Mobile Legends: Bang Bang, Starcraft II, Tekken 7, at League of Legends: Wild Rift.
Isa sa mga organisasyong sumelyo sa mga medalya ng Pilipinas ay ang Blacklist International. Bukod sa tagumpay sa 31st SEA Games, sumelyo rin ng pilak ang kanilang MLBB team sa International Esports Federation World Esports Championship 2022.
Gayunpaman, hindi ito nangyari nang walang aberya. Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ibinahagi ni Rada Scars, ang General Manager ng Blacklist International, kung paano nakatulong ang SIBOL sa mga national esports athletes.
- MobaZane: Magiging madali ang Group D para sa The Valley
- Narito ang dahilan kung bakit dapat mag-ingat sa ONIC Esports sa M4
Rada Scars sa ugnayan ng SIBOL at Blacklist International
Matatandaang naging isyu ang devices na ginagamit sa IESF WEC 2022 dahil iba ito sa pangkaraniwang ginagamit ng mga miyembro ng SIBOL sa karamihan ng mga palaro.
Para matugunan ang problemang ito, nanghiram ang Blacklist International sa kanilang mga tagasuporta ng parehong smartphone na ipinanglalaro sa naturang turneo.
Inamin ni Rada Scars na wala sa intensyon niya ang lumapit sa management ng SIBOL para resolbahan ang isyu, hanggang sa kinausap siya nina Jab Escutin, ang General Manager, at Marlon Marcelo, ang Executive Director.
“Para sa akin, SIBOL really plays a big part. Napaka-vital ng role nila dito sa IESF kasi they are the ones who really gave us the liberty to do anything for the players,” kwento ni Rada Scars.
Isinantabi na niya ang posibilidad na makuha ang ano mang nakagawian ng kanilang koponan lalo na kung ang ibig sabihin naman nito ay ang pag-usbong ng esports sa bansa.
“We came here as delegates, not as an organization.,” diin ni Rada Scars.
Rada Scars sa pagiging national esports players ng Blacklist International
Ipinabatid ni Rada Scars na karangalang itinuturing ng kanyang mga manlalaro bilang maging delegado ng bansa.
“As a professional player, isa to sa mga dream mo, na i-represent yung country,” paliwanag niya. “And in esports, parang never mo siya maiisip five years ago, three years ago kasi esports is not something na acceptable pa globally eh.”
Ikinwento niya rin kung paano niya nakumpirma ang kahalagan ng pagiging national esports athlete para sa mga miyembro ng Blacklist International nang madismaya noon sina Kiel “OHEB” Soriano at Edward Jay “EDWARD” Dapadap dahil sa age restriction noong nakaraang SEA Games.
Kaya naman gayun na lang ang kanilang pagkagalak nang masuot na nila ang SIBOL jersey para sa IESF WEC 2022.
“Sobrang tuwang tuwa sila na makikita nila yung last name nila. Doon palang, it shows na, ah, national pride. Para sa akin, innate na siguro yun, it’s not something na kailangan pa i-activate,” giit ni Rada Scars.
Samantala, bubuksan ng Blacklist International ang susunod na taon sa pagdepensa ng kanilang titulo sa M4 World Championship. Nakatakda itong ganapin sa Jakarta, Indonesia simula ika-isa ng Enero.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: SIBOL Dota 2 kinuha ang pilak, kinapos kontra Indonesia sa IESF 2022 grand finals