Isa si SanFord ng ECHO sa mga standout players ng nagdaang M4 World Championship. Nagpakilala siya sa buong mundo matapos niyang pangibabawan ang pinakamalaking mobile esports tournament na kinabibilangan ng mga beterano.

Sa murang edad, naipamalas ni SanFord ang kalidad ng pagiging mahusay na manlalaro, kahit pa noong 2021 lang niya sinimulan ang kanyang karera bilang isang professional Mobile Legends: Bang Bang player.

Player Profile ni SanFord ng ECHO

Dhonazan Syahputra/ONE Esports
  • Pangalan: Sanford Marin Vinuya
  • IGN: SanFord
  • Edad: 16 years old (born June 24, 2006)
  • Koponan:
    • Nexplay EVOS (June 2021-June 2022),
    • ECHO (June 2022 – present)
  • Role: EXP laner
  • Achievement:
    • 4th place MPL PH S8 (Nexplay EVOS),
    • Runner-up MPL PH S10 (ECHO),
    • M4 World Championship (ECHO) Champion
  • Paboritong hero: Yu Zhong
  • Instagram: ECHO_Sanfordd

Paano nagsimula ang professional career ni SanFord?

Kilalanin si SanFord ng ECHO, ang standout player ng M4 World Championship
Credit: Nexplay Esports

Gaya ng nakararami, laro-laro lang ang tingin ni SanFord sa MLBB. Pero dahil sa taglay niyang husay, napansin siya ng ngayo’y kampi niya sa ECHO na si Tristan “Yawi” Cabrera at inimbitahan siyang maglaro sa una niyang team na Nexplay EVOS.

Naganap ang debut ni SanFord bilang professional player noong ikawalong season ng MPL PH. Natapos sa ika-apat na puwesto ang kampanya ng kanyang koponan noon bilang kahalinhinan ni Renejay “RENEJAY” Barcarse sa EXP lane.

Pagpasok ng ikasiyam na season, hindi ginamit ng NXPE si Sanford. Gayunpaman, hindi nito napahina ang kanyang loob—sakto na lang din dahil kinuha na siya ng ECHO para paghandaan ang ika-10 season ng liga.

“Noong magpa-trial ang ECHO para gumawa ng bagong team para sa susunod na season, sinubukan kong mag-tryout—tapos ayun, natanggap ako,” kwento ni SanFord sa ONE Esports.

Kilalanin si SanFord ng ECHO, ang standout player ng M4 World Championship
Credit: MPL Philippines

Dalawang roster ang ginagamit noon ng mga Orca, pero kalaunan ay mas nababad ang ECHO Loud na binubuo nila ni Yawi kasama sina Karl “KarlTzy” Nepomuceno, Alston “Sanji” Pabico, at Benedict “Bennyqt” Gonzales.

Sa tulong ng kanyang mga kakampi, sariling pagsisikap, at suporta ng kanyang pamilya, nakatungtong si SanFord sa M4 World Championship matapos selyuhin ang ikalawang puwesto sa MPL PH Season 10.

“Suportado ng pamilya ko ang career ko. Basta masaya ako sa pagiging pro player, masaya rin sila,” kwento ni SanFord.



Una at kasalukuyang favorite hero ni SanFord ng ECHO

Kilalanin si SanFord ng ECHO, ang standout player ng M4 World Championship
Credit: ONE Esports

Lesley ang unang MLBB hero na nalaro ni SanFord, pero hindi raw gold laner ang unang posisyon na kanyang nilaro dahil noon ay kahit saan pwedeng gamitin ang marksman.

Pero nang tanungin ang paboritong hero ngayon ni SanFord, pinili niya si Yu Zhong. Hindi lang daw dahil siya ay EXP laner, pero dahil sa isang importanteng dahilan:

Kilalanin si SanFord ng ECHO, ang standout player ng M4 World Championship
Credit: Moonton

“Paborito ko ngayon is Yu Zhong kasi kayang-kaya niya pumatay ng Marksman,” paliwanag ni SanFord sa ONE Esports.

Nang hingan naman ng payo ang batang kampeon para sa mga EXP laners, narito ang kanyang sinabi:

“Ang advice na maibibigay ko ay dapat ma-sustain niyo [yung EXP lane], parati kayo rumesponde sa kampi niyo, parati kayo sumama sa team fights, at dapat alam niyo kung sino ang ta-target-in.”


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: M5 World Championship sa Pilipinas gaganapin!